James Reid at Nadine Lustre, ‘di nakikisakay sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, ‘di nakikisakay sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Nadine-Lustre-James-ReidNGAYONG PINATUNAYAN nina James Reid at Nadine Lustre na may box-office appeal sila as loveteam dahil kumita ang second movie nilang Talk Back And You’re Dead ng Skylight Films at Viva Films, agad silang pinapirma ng 2-year contract ng ABS-CBN. Inihahanda na ang kanilang first romantic comedy series ng Kapamilya Network. Ang balita namin hinahanapan ng magandang material sina James at Reid na babagay sa kanilang dalawa.

Kaya’t huwag isipin ng kampo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakiki-ride on lang sina James at Nadine sa kanilang kasikatan, dahil sikat na rin ang mga ito. Pagpapatunay na parehong kumita ang dalawa nilang pelikula. Oo nga’t medyo may pagkakahawig ang istorya ng Got To Believe sa movie nilang Diary Ng Panget, hindi naman ito itinanggi ni Direk Andoy Ranay na siya ring lumikha ng TBAYD.

Palibhasa may kanya-kanyang hukbo ng tagahanga ang Kathniel at Jadine kaya’t hindi maiiwasan ikumpara ang tandem nila. Ngayong sunud-sunod ang inaabot na intriga ni Daniel, pinalalabas na galing ang mga negative-issue sa kampo ni James. Nagpapalitan ng maaanghang na salita ang kanilang mga fans sa social medila. Natural hindi magpapatalo ang bawat kampo. Itatayo nila ang bandila ng kanilang idolo. Sight of rivalry na nga kaya ito between Kathniel and Jadine? Sino kaya sa dalawang loveteam ang magtatagal at kung sino ang mag-iiwasan ?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING