James Reid, naaksidente sa Las Vegas show nila ni Nadine Lustre

James Reid, naaksidente sa Las Vegas show nila ni Nadine Lustre

James Reid after the accident.
James Reid after the accident.
Closer look of the right leg of James Reid after the  accident.
Closer look of the right leg of James Reid after the accident.
James Ried and Nadine Lustre during thier Las Vegas performance.
James Ried and Nadine Lustre during thier Las Vegas performance.

Sa susunod dapat mag-ingat na si James Reid. Kaya nga dapat sa susunod ay higpitan na ang security ng hottest male teen idol kapag may mga out of town shows or live appearances siya.

Okey lang kung sa loob ito ng isang television network dahil mas secured ito at napalilibutan ng mahigpit na security staff.

Sa kaso ni James Reid, naaksidente siya sa pag-akyat nila ni Nadine Lustre sa service bus na sasakyan nila pauwi ng kanilang hotel right after ng kanilang Las Vegas show.

Ang mga Las Vegas fans ng dalawa ay very wild. Uncontrollable na kahit pinagbabawalan na ay ayaw pa ring magpaawat kaya marahil nangyari ang freak accident sa binata na based sa photo posting ng Viva Artist Agency, ang right leg ng binata ang nadiskaril.

As of this writing, hinihintay pa namin ang complete details ng naganap kay James na ayon sa VAA (Manila) ay hinihintay rin nila ang report mula sa handler ng binata na kasama nito.

Mabuti na lang kasama ni James sa biyahe niya si Nadine Lustre na siyang nag-aalaga ngayon sa binata.

I just don’t know kung ano ang mangyayari sa ibang mga shows ni James (with Nadine)? I’m sure maaapektuhan ang performance niya with what happen sa kanyang right leg.

Reyted K
By RK VillaCorta