James Reid, matapos bumili ng 7-bedroom house, sports car naman ang isusunod

James Reid, matapos bumili ng 7-bedroom house, sports car naman ang isusunod

James Reid
James Reid

Pagbalik ni James Reid sa Pilipinas pagkatapos ng U.S. concert tour nila ni Nadine Lustre ay aasikasuhin na niya ang paglipat sa nabiling bahay sa Loyola Grand Villas na may 7 bedrooms. Ito ang kuwento sa amin ni James Reid nang makausap namin siya sa mall tour ng pelikula nilang “This Time” sa Fairview Terrraces.

“When I returned from the States ako lilipat, baka June or July. Yeah, my own house. Me, my brothers, my sisters, my dad will be there,” sey niya.

May konti lang daw siyang ipinaayos sa bahay bago lipatan.

“I extended the pool, putting in aircon units, so hot, eh. Kailangan ko lang ng pool, ‘yung pool talaga importante sa akin. Matatapos na ‘yon before I get back.

“I was thinking about (buying) a sports car sana, an Audi R8, and I thought, it’s so selfish, it’s only for me. Coz my brother, my sister they share a room, so I got a bigger house para mas comfortable sila.

“I can buy pa naman may Audi car later or one day,” pagtatapat niya.

Ayaw namang banggitin sa amin ng binata kung magkano ang halaga ng 7-bedroom house na nabili niya sa Quezon City.

“Huwag na. Hahah!” sabay tawa niya.

La Boka
by Leo Bukas