James Reid, matamlay ang pagpu-push sa career

ADVERTISING

James Reid, matamlay ang pagpu-push sa career

James-ReidMUKHANG MATAMLAY ang kampo ng Viva Entertainment sa pagpu-push sa career ng latest heartthrob na nilikha ng pelikulang Diary ng Panget kung saan bida ang nakapaseksi at napakaguwapong si James Reid.

Si James daw ang direct competitor ni Daniel kung saan they have the same appeal sa mga kabataan.

Maging kami, naaliw sa pelikula niya with a female partner (na nakalimutan namin ang name) na ang peg ay similar sa itsura ni Kathryn Bernardo.

One thing na kaiba kay James, compare kay DJ ay napakaseksi niya. Yes, ‘di hamak na mas malaman ito kaysa kay DJ na lean and lanky, while si James, bukod sa napakaganda ng mukha, macho, hunk na hunk at Adonis ng kung sino mang babae or beki.

ADVERTISING

One interesting challenge sa Viva Films at sa management company ni James ay magsabay ng showing ang pelikula nila ni Daniel. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magwawagi sa takilya?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING