James Reid, malakas ang hatak sa mga bagets

ADVERTISING

James Reid, malakas ang hatak sa mga bagets

James-ReidMALAKAS PALA ang hatak ni James Reid sa mga bagets na tulad niya. Pinatunayan niya ito nang kumita sa takilya ang first launching movie niyang Diary Ng Panget with Nadine Lustre ng Viva Films. Kaya’t agad binigyan ng follow movie ni Vic del Rosario sina James at Nadine, ang Talk Back And You’re Dead dahil click sa manonood ang loveteam ng dalawa.

ADVERTISING

May certain karisma si James na wala sa ibang young star kaya tinitilian siya ngayon ng mga teenager na babae. Daring, walang takot ipakita ang katawan dahil may karapatan naman. Kahit hirap mag-Tagalog, pinipilit naman niyang idiretso ito. Nang makausap nga namin siya, medyo maayos-ayos na ang pagsasalita niya. Hindi tulad nu’ng katatapos lang niyang gawin ang DNP, hirap talaga siyang Managalog.

Nakita naman nating nag-e-effort si James na ituwid ang Pananagalog. Gusto niyang maging totoong actor kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral ng Tagalog language. Panay nga raw ang pagbabasa niya ng tabloid, komiks at books para lalong mahasa ang kanyang dila sa pagsasalita ng sariling atin.

Napag-usapan din ang pagiging chick boy raw ni James. Nakailang girlfriend na nga ba ang young actor? “Oo, nagka-girlfriend ako pero sandali lang ‘yun. Hindi ako chick boy, stick to one lang akong mag-girlfriend,” paliwanag ng binata.

ADVERTISING

Kamusta naman ang working relationship nina James at Nadine? “Okay kami ni Nadine, relax na nga akong katrabaho siya dahil second movie na namin ito together. Masarap siyang kasama lalo na sa set, kulitan, enjoy kami habang ginagawa namin ang movie. At saka, tulungan kami sa mga scene kapag eksena na naming dalawa. Walang sapawan same with Joseph Marco. It’s fun, habang ginagawa namin itong Talk Back And You’re Dead.”

Ayon nga kay Direk Andoy Ranay who directed the film, na mas kilala ngayon bilang Jadine ang tambalan ng dalawa matapos ang matagumpay nilang DNP. Nagsilbing homecoming of sorts din para kay James ang pelikulang ito bilang isang Kapamilya, bilang big winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash 2010.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING