James Reid, hindi mapagpanggap

James Reid, hindi mapagpanggap

James-ReidONE REASON kung bakit gusto ko si James Reid, bukod kasi sa guwapo siya at naging instant fan nila ako ng ka-love team na si Nadine Lustre, ay ang pagiging straight-forward niya. In short, totoo lang siya sa kanyang sarili. Hindi showbiz, ‘ika nga, na “feeling in love” sa kapareha (tulad ng iba) gayong wala naman at hindi ‘yun ang totoo.

Sa romcom show nila ni Nadine na On The Wings of Love na regular naming pinanonood, nai-in love muli kami sa tambalan nila.

Sa simula, aminado na si James na there is nothing personal between him and his ka-love team. “Yes we’re friends,” sabi niya sa media launch noon. Kaya nga nang mapabalita na dini-date niya ang baguhan na si Debs Garcia of the morning serye Ningning, isa lang ang sagot ni James sa mga JaDine fans na nag-e-emote sa kanya na, “I’ve never pretended to be anything but myself. Everyone, stop acting so surprised all the time.”

I love you, James Reid. ‘Yan ang gusto ko sa mga artista. Straight-forward, walang eklatan. I love you for being true to yourelf na hindi takot na ibalandra ang saloobin in public. Iba ka!

Reyted K
By RK VillaCorta