James Reid, gimik lang ang pagkahulog sa stage?

ADVERTISING

James Reid, gimik lang ang pagkahulog sa stage?

James-ReidANO BA ‘yan at me mga nababasa pa rin kaming gumimik lang si James Reid sa kanyang pagkahulog sa butas ng stage sa nakaraang Cosmo fashion show. Ipinakita pa ang retrato kung saan sa ilalim ng maong ay may knee pad si James na parang ready kung madapa o mahulog ito.

ADVERTISING

Nabasa pa namin, “Saka me rehearsals ‘yon bago mag-show. Alam ni James na butas ang stage so, dapat papalapit pa lang siya sa unahan, aware na siya. Kaya gimik lang ‘yon.”

Anyway, kung gimik man ‘yon, napakahusay namang umarte ni James. At talagang sa sobrang epek ng akting ay may pasa sa braso ang teen actor.

Nandu’n kami, nasaksihan namin ang pagbagsak ni James at feeling namin, totoo naman na talagang nahulog siya.

ADVERTISING

Kung hindi pa rin maka-move on ang ibang netizens sa kanilang argumento eh, ‘di sige, gimik na kung gimik. Para matapos na lang ang isyu, hahahahaha!

Basta isa sa mga pinakatinilian doon ay si James Reid. Ibig sabihin, gano’n talaga siya kasikat ngayon. ‘Yun ‘yon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING