James Reid at Nadine Lustre, walang pahinga sa kanilang series of concert

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, walang pahinga sa kanilang series of concert

James Reid and Nadine Lustre
James Reid and Nadine Lustre

Nakasalubong namin sa labas ng Rustan’s Araneta si Iggy, dating kasamahan namin sa Cristy “Per Minute” noon na ngayon ay bahagi na ng ABS-CBN Special Events.

Kasama si Iggy sa Middle East and European series of concerts nina James Reid at Nadine Lustre na handog ng TFC sa mga kababayan natin.

“Super kapagod pero enjoy. Ang saya namin,” kuwento ni Iggy sa amin.

Kung inaakala ng marami na bakasyon ang ginawa nilang pagbiyahe to bring entertainment sa mga kababayan natin ay nagkakamali ang marami.

ADVERTISING

Kaya nga si James Reid, naka-schedule magbakasyon this coming July after ng Cebu City concert nila ni Nadine na JADINE in LOVE na nagsimula nga sa Araneta Coliseum.

Mabuti raw at energetic sina James at Nadine Lustre, dahil kung mahina ang resistensya mo, malamang sa hindi, magkakasakit ka sa sunud-sunod na activities while on tour.

After ng Cebu concert nila at pagbabakasyon ng dalawa ay may ginagawa at tinatapos pa silang movie na “This Time” mula sa direksyon ni Ruel Naval.

This year ay isasagawa ang malalaking series of provincial concerts ng dalawa at kabilang na nga rito, bukod sa Cebu, ang Bacolod, Davao, Iloilo (‘yun lang ang naalala ko habang isinusulat ko ang column item na ito), at siyempre ang pagbabalik ng tambalan nila sa telebisyon para sa Kapamilya Network na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na.

I’m sure super kilig ito. Kung sa “On The Wings of Love” ay kinilig na tayo at wala pang relasyon ang dalawa noon, what more ngayon na confirmed na may “love” na involved sa relasyon nilang dalawa? E, ‘di mas super sweet na at baka langgamin ka pa na bawal sa mga diabetics.

Today April 11 ay 2nd monthsary ng love nina James at Nadine sa isa’t isa.

Last month nag-date sila ng kanilang monthsary sa Tagaytay. Today kaya, saan sila magse-celebrate?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING