James Reid at Nadine Lustre, walang kaipokritahan

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, walang kaipokritahan

James Reid & Nadine Lustre
James Reid & Nadine Lustre

‘Yan ang gusto ko sa tambalang James Reid at Nadine Lustre. Very open sila sa isa’t isa kumpara sa ibang mga artista at love teams na nasa liga nila.

Ngayon na nasa abroad sila para tuparin ang kanilang commitments sa series of shows nila na sinimulan nila sa US, sa Canada leg ng “JADINE High On Love” Tour (nasa Winnipeg sila ngayon), happy na happy si James Reid dahil late man daw ang selebrasyon ng kaarawan niya ay bawing-bawi naman ang binata.

Sa Instagram posting niya sa name handle na @jaye.wolf, nag-post ang binata ng isang napakaintrigang picture nila ni Nadine na magkahalikan na sa portion ng lips ng dalawa ay may malaking ‘X’ in red na tumakip ng kanilang mga labi.

Ang photo caption ni James: “The Best birthday party I’ve ever had and I’ve had some wild ones” na may hastag na #thankslove.

ADVERTISING

I’m sure ipinagmamalaki ni James ang karanasan niya celebrating his 23rd birthday with Nadine Lustre while on tour sila.

‘Yan ang gusto ko sa dalawa, wala silang kaipokritohan kaya whatever happened sa kanilang relasyon at gawain or kaganapan as a love team in showbiz at in real life, madaling matanggap ng kanilang fans at supporters kung ano man ang mangyayari sa dalawa. Ang mga idol kasi nila, totoo sa mga sarili nila.

I’m sure sa “virginal” image ni Kathryn Bernardo, bawal ang gayong mga passionate kissing with Daniel Padilla, na alam mo naman ang kaplastikan nila at ayaw nilang ilantad kung ano ang katotohanan sa relasyon nilang nakasasawa na.

Kung sa bagay, ang mga faney ng mga KathNiel, mga utu-utuin naman. Kung ano ang isusubo sa kanila, all smile lang sila at sunod-sunuran na lang.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING