James Reid at Nadine Lustre, sasamantalahin ang pagkakataon sa Greece

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, sasamantalahin ang pagkakataon sa Greece

James Reid And Nadine Lustre
James Reid And Nadine Lustre

Dalawang linggong mananatili sa Greece sina Pambansang Wifey Nadine Lustre at Pambansang Hubby James Reid dahil dito kukunan ang mga mahahalagang eksena sa kanilang bagong teleserye sa Kapamilya Network na may temang LGBT, ang “Till I Met You”.
Bumiyahe nga ang sikat na loveteam after ng kanilang launching bilang bagong dagdag na endorsers ng Bench na ginanap sa Music Hall ng Mall Of Asia, kung saan nirampa ng dalawa ang mga bagong Bench Everyday Collection na talaga namang magaganda at in na in sa mga katulad nilang kabataan sa makabagong milenyo.
Ito nga raw ang kauna-unahang beses na bumiyahe sa Greece ang dalawa. At isa nga raw sa excited na gawin ng mga ito ang kumain ng Greek exoctic foods at pasyalan ang mga tourist spots dito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING