James Reid at Nadine Lustre, sa Greece kukunan ang mahahalagang eksena sa bagong teleserye

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, sa Greece kukunan ang mahahalagang eksena sa bagong teleserye

James Reid and Nadine Lustre
James Reid and Nadine Lustre

Yehey! I’m sure unang matutuwa nito ay ang mga fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil next month (August), actually next week na ito, at magsisimula na ang dalawang mag-taping anytime ng kanilang bagong teleserye para sa Dreamscape Entertainment for ABS-CBN na may working title na “‘Till I Met You” with Direk Tonette Jadaone na siyang direktor nila sa OTWOL.

As of this writing, on vacation pa rin sina James Reid at Nadine Lustre na matagal na nilang hinahanap-hanap since magsimula sila ng hit romcom nila na “On the Wings of Love”, ang naging pelikula nila sa Viva Films, at ang series of live concerts nila sa MidEast, Europe, USA, and Canada na JADINE in LOVE.

Sa katunayan, pinagbigyan sila ng ABS-CBN and Viva Entertainment na magbakasyon muna dahil after ng grand vacation nila ay sagad-sagaran na naman ang magiging trabaho nila. Kumbaga, jingle na lang ang pahinga kapag nagsimula na silang mag-taping na susundan ng maraming activities.

Sa bagong teleserye nila, we got some inside information na sa Greece diumano kukunan ang ilang mahahalagang eksena na magsisimula na anytime soon ang taping.

ADVERTISING

Kung dati ay ang USA (San Francisco, California) ang naging based ng serye nilang “On the Wings of Love”, ang bago nilang serye ay sa Athens (Greece) naman ang mga eksena.

Sa pagbabalik ng dalawa after nilang mag-taping sa Greece, ready na ang lahat ng preparation ng naudlot nilang roadshows sa Cebu at ilang key cities ng bansa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING