James Reid at Nadine Lustre, officially mag-on na

ADVERTISING
Courtesy of MJ Felipe's Instagram
Courtesy of MJ Felipe’s Instagram

It’s official, James Reid at Nadine Lustre, mag-dyowa na nga! At February 11, 2016 umano ang kanilang official date.

Nangyari ang pag-amin ng magka-love team sa “JaDine In Love” concert nila sa Araneta Coliseum kagabi, Sabado, February 20.

ADVERTISING

Sa pagtatapos ng kanilang concert, sobrang ikinakilig ng libu-libo nilang mga fans at supporters ang pagsasabi ni James ng “I love you” kay Nadine. Na lingid sa kaalaman ng lahat, natural na lang ang paglabas ng mga katagang iyon mula sa bibig ni James, dahil sila na pala talaga sa totoong buhay.

Nag-post naman agad ang ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa kanyang Instagram ng litatro nina James at Nadine na kuha habang ini-interview niya ang dalawa. Sa kanyang caption: “THIS JUST IN: It’s official – James and Nadine – now officially a couple. Official date is: February 11, 2016. congrats!”

Ikinuwento rin ni MJ sa kanyang Twitter na hindi talaga planado ang personal na announcement ni James Reid. Sa kanyang tweet, “The announcement talaga was the finale viewing party. James’ personal announcement was unplanned. He requested to turn off he music.”

ADVERTISING

Ihinayag din ng reporter sa kanyang tweet ang interview niya sa dalawa, kung saan tinanong niya si James kung bakit nag-‘I love you’ siya kay Nadine Lustre. Sagot ni James, “I said it coz I really love her.” Na tinugon naman ni Nadine ng: “I love you too.”

Sa tuwing ini-interview ang dalawa noon at tinatanong sa status ng kanilang relasyon, laging sinasabi ng magka-love team na matalik lang silang magkaibigan. May balita rin na may non-showbiz boyfriend si Nadine, habang nali-link naman si James kay Julia Barretto at sa iba pang babaeng nakasasama nito sa kanyang pagna-night out. Pareho naman nilang itinatanggi ng mga nasabing balita.

Hindi na nga kataka-taka na ang dalawa ang magka-date nitong nakalipas na Valentine’s Day. At wakas, natupad na rin ang pangarap ng JaDine fans na maging mag-dyowa ang kanilang iniidolong love team.

By Parazzi Boy

ADVERTISING