James Reid at Nadine Lustre, mas tumatag ang samahan sa pag-stay sa Greece

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, mas tumatag ang samahan sa pag-stay sa Greece

James Reid & Nadine Lustre
James Reid & Nadine Lustre

“Well, I mean not because of this show, but every day I think I’m more in love with her. But it definitely helps ‘yung mga romantic scenes. We’re lucky that we get to do that for work.” Ito ang naging pahayag ni James Reid sa presscon ng kanilang newest serye sa ABS-CBN na “Till I Met You” na nagsimula nang mapanood last  August 29.

Dagdag pa ni James, “You know, other couples, they do that in their spare time to go on finding the sunset and everything which is romantic, but we get to do that for work. And we’re so lucky.”

Kaya naman daw mas nagiging matatag ang kanilang relasyon, lalo na’t six months and still counting pa ang kanilang relasyon, kung saan sa Greece sila nag-celebrate ng kanilang monthsary.

Isa nga sa pinakapaborito nilang pinuntahan sa Greece ay ang Oia, Santorini.

ADVERTISING

“Sa Oia in Santorini. Parang ‘yung nakikita sa postcard, ‘yung may cliff, tapos may blue and white houses, buildings. It’s so beautiful!” Pagtatapos ni James.

PPop Boy Groups On Tour 4
PPop Boy Groups On Tour 4

PPop Boy Groups on Tour 4, matagumpay

Naging matagumpay ang katatapos na PPop Boy Groups on Tour 4 na ginanap sa Starmall Alabang last August 28, hatid ng Starmall Alabang, Ysa Skin and Body Experts, New Placenta, at UniSilver Time.
Punum-puno ang Entertainment Area ng Starmall Alabang sa dami ng taong nanood ng hatawan sa sayawan at kantahan ng ilang most promising boy groups sa bansa sa pangunguna ng Four Dimensions, Zero Ground, X3M, Generation 6, Voyztrack, Arsenal, at ni Ron Mclean, hosted by DZBB 594 Walang Siyesta anchor Janna Chuchu.
Kaya naman, abangan ang PPop Boy Groups on Tour 5 sa kung sinu-sino pang boy groups ang makasasama at bagong madadagdag.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING