James Reid at Nadine Lustre, maraming nadidiskubre sa isa’t isa

James Reid at Nadine Lustre, maraming nadidiskubre sa isa't isaPinatunayan ni James Reid sa girlfriend niyang si Nadine Lustre na tunay ang pagmamahal niya sa dalaga.

Tulad ng pangako ng binata noon na sa romantic Paris, kung saan magkakaroon sila ng time para sa isa’t isa sa katatapos lang na JADINE in LOVE World Tour na handog ng TFC (The Filipino Channel) sa kanilang mga subscribers sa Europe last weekend, sinorpresa ni James ang dalaga sa isa sa pinakamagandang tourist spot sa Paris, ang kilalang Jardin du Luxemburg, kung saan may inihanda na palang basket of goodies like cold cuts, cheese, orange juice, at siyempre flowers para sa kanyang nililiyag.

Naging romantic ang “date” ng dalawa tulad ng pangako ng binata sa dalaga noong nasa Manila pa lang sila na sosorpresahin niya ito.

Sa halos two weeks nilang pagsasama sa Middle East at Europe sa ginawa nilang tour, mas nakilala nina James Reid at Nadine Lustre ang isa’t isa.

Natuklasan ng dalagang marunong si magplantsa si James. “There are only two guys in this world na I know… iron clothes properly–my dad and him.

Si James naman, nadiskubre niya na ang girlfriend ay mahilig pala sa foi gras na during their stay in France, wala raw kinain ang dalaga kundi ang foi gras na isa sa expensive na delicacy sa France na gawa mula sa goose liver.

Ang palagiang pagsasama ng JaDine, mapa-concert nila, personal appearances, at sa halos araw-araw nilang pagkikita sa pagtatapos ng shooting ng movie nila na “This Time” mula sa Viva Films sa direksyon ni Nuel Naval, malamang sa hindi, wala nang kawala ang isa’t isa sa relasyon nilang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJasmine Curtis-Smith, boyfriend na ang nali-link na non-showbiz guy
Next articleMatteo Guidicelli, itinangging engaged na sila ni Sarah Geronimo

No posts to display