James Reid at Nadine Lustre, mapangahas ang unang teleserye

Nadine-Lustre-James-ReidMAPANGAHAS ANG first teleseryeng pagsasamahan nina James Reid at Nadine Ilustre sa ABS CBN na magsisimula sa August 10 pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo.

Aminado sina Nadine at James na may nararamdaman silang pressure sa pagsasama nila sa serye na ididirek nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin. Pressured dahil alam naman daw ng lahat na pinagkukumpara sila sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na subok na ang lakas.

Ayon pa kay Nadine, may kanya-kanya naman daw silang ipino-portray ni James as magka-loveteam at may pagkakaiba rin daw sila sa loveteam nina Daniel at Kathryn. Sila raw ni James ay nakasentro ang attention sa showbiz career at kung paano pa ito patatagin bilang magka-loveteam. Kapwa raw sila breadwinner ng kanilang pamilya, kaya work to death ang inaatupag nila bago ang lahat.

On screen ay super sweet sila sa isa’t isa pero ayaw nilang lagyan ng seryosong pagtitinginan. Ito raw ay para na rin sa kanilang future showbiz career at sa kanilang pamilya, at higit sa lahat sa kanilang mga fans na laging nandiyan para sila suportahan.

Going back sa serye nilang On The Wings of Love, may mga eksenang kinunan pa sa San Francisco, California para maging makakatohanan ang istorya. Tsika nga ng dalawa at mga kasama sa cast na sina Cherry Pie Picache, Bianca Manalo, Joel Torre, Albie Casiño, Nanette Inventor, atbp., super lamig sa San Francisco habang kinukunan ang kanilang mga eksena.

Sabi nga ni Direk Antoinette Jadaone, hirap at sarap ang naranasan nila habang nagte-taping sa San Francisco. “Sa una lang masarap. Pero habang tumatagal ay damang-dama mo na ang sobrang lamig na tumatagos sa aming katawan. Grabe ang hirap, pero sulit naman ang kinalabasan.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleWinwyn Marquez, sinagot ang patutsada ng sikat na fashion designer
Next articleAi-Ai delas Alas, pressured na matalbugan ang papalitang Sunday show

No posts to display