James Reid at Nadine Lustre, kumpirmadong hottest loveteam ng Dos

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, kumpirmadong hottest loveteam ng Dos


James-Reid-Nadine-Lustre
Walang bonggang plugging ang ABS-CBN, kung saan gagawin ang taping ng kanilang “Thank You For The Love: The 2015 ABS-CBN Christmas Special”. Pero napakarami pa ring tao ang sumugod sa Araneta Coliseum para panoorin ito nung Dec. 8.

Nag-start ang dire-diretsong taping ng 8 p.m. at halos madaling-araw na natapos. Ang gaganda ng naging production numbers ng Kapamilya stars at halatang nag-effort sila.

Mas dumagundong naman ang tilian sa Araneta nang magsama-sama na sa stage ang Kapamilya loveteams tulad ng KathNiel (Kathry Bernardo at Daniel  Padilla), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at JaDine (James  Reid at Nadine Lustre).

Kapansin-pansin naman ang mas malakas na tilian ng fans sa JaDine. Confirmed na sila talaga ang hottest loveteam ngayon sa ABS-CBN at malaki ang naitulong ng series nilang On The Wings of Love para lalo silang mamayagpag, huh!

ADVERTISING

Ilan pa sa malalaking Kapamilya stars na nag-participate sa ABS-CBN Christmas Special ay sina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Richard Yap, Vice Ganda, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Enchong Dee, Xian Lim, Kim Chiu, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, at marami pang iba.

Ipalalabas ang ABS-CBN Christmas Special sa gabi ng Dec. 19 and 20.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING