James Reid at Nadine Lustre, ‘holding hands while sleeping’ sa loob ng eroplano

ADVERTISING
courtesy of Instagram: vivaartistsagency
courtesy of Instagram: vivaartistsagency

Kilig na kilig ang mga fans ng tambalang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) nang kumalat sa social media ang litrato ng kanilang mga idolo na magkahawak ang mga kamay habang natutulog sa loob ng sinasakyang eroplano.

Patungong Isabela sina James at Nadine Lustre noong Sabado, January 30, para dumalo sa Bambanti Festival na ginanap sa Ilagan City bilang celebrity guests sa naturang kapistahan.

Hindi naman tumigil sa pagre-repost ng nasabing litrato ang libu-libong JaDine fans na umaasang magkatuluyan ang dalawang bida sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “On The Wings Of Love”.

By Parazzi Boy

ADVERTISING