James Reid, abut-abot ang sorpresang natanggap sa kaarawan

James Reid, abut-abot ang sorpresang natanggap sa kaarawan

James Reid
James Reid

Isang maagang birthday gift marahil para kay James Reid ang pag-hit sa takilya ng pelikula nila ni Nadine Lustre from Viva Films na “This Time” na nakipagsabayan sa kita sa takilya last week with John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado’s movie na “Just the 3 of Us” na nasa direksyon ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.

Today, May 11, birthday ni James. Pero prior to his birthday, yesterday, ay dumalaw ang youngest sexy hunk sa Asociacion de Damas de Filipinas na isang bahay ampunan na matatagpuan sa Paco, Manila para roon i-celebrate ang kanyang 23rd birthday.

Nagkaroon ng sort of “asalto” para sa binata, kung saan kinantahan ng birthday song si James ng mga bata. Nagkaroon din ng short entertainment program para sa birthday celebrator.

Bukod sa dalawang sorpresa na natangap ni James Reid sa kanyang kaarawan (ang pagiging box-office hit ng pelikulang “This Time” at isang sorpresang asalto sa bisperas sa kaarawan niya), ang pangatlong regalo ng binata sa kanyang birthday ngayong araw ay ang nakatakdang paglipat ng binata sa isang 7-room house sa isang exclusive subdivision sa Quezon City na malapit sa UP Diliman pagkatapos ng US and Canada Tour nila ni Nadine.

Sa ngayon, inaayos na ang ilang mga detalye ng bahay, lalo na ang swimming pool na paboritong hangout ng binata kapag nagpapahinga siya.

Bukas ,May 12, nakatakda ang flight nila patungong US.

In between shows sa US at Canada ay makapagsa-side trip na rin sila ni Nadine na sa early interview namin kay James ay roon nila ise-celebrate ang “monthsary” nila ng dalaga na pumapatak evey 11th of the month.

I just don’t know kung ano ang regalo ni Nadine Lustre sa kanyang boyfriend na si James. Basta ang sabi niya noon sa presscon ng pelikula, meron na raw siyang regalo na ayaw niyang ipaalam pa sa press at gusto niya ay maging sorpresa ito sa kasintahan.

Sa pagbabalik nina James at Nadine, sisimulan naman nila ang kanilang bagong kilig-serye para sa Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na nagbigay sa atin ng “On The Wings of Love”. Ang balita namin, mas super kilig na lalo nating mamahalin ang JaDine ‘pag napanood na natin.

Aside from the kilig-serye ay may isang pelikula pa silang gagawin ni Nadine for 2016.

Happy birthday, James!

Reyted K
By RK VillaCorta