James Blanco, wish na magkaroon ng gay lover

ADVERTISING

James Blanco, wish na magkaroon ng gay lover

James-BlancoSI PAUL Cabral na ang manager ngayon ni James Blanco, ito ang kinumpirma sa amin ng actor nang makausap namin sa grand launching ng Yagit, kung saan muli nga siyang nagbabalik sa GMA 7.

Wala na raw siya sa pangangalaga ng manager na si Annabelle Rama dahil matagal na raw nag-expire ang kontrata niya rito at nagdesisyon na hindi na muling mag-renew.

“May mga problema kasi si Tita Annabelle that time. Ayoko nang makadagdag pa. So, wala akong manager for almost a year. Si Paul, kaibigan niya kasi ang wife ko. Since may clout naman siya sa mga TV network, siya na ang kinuha kong manager. ‘Yung last na teleserye ko na Mirabella sa ABS-CBN, kay Paul na yon. Tapos ito ngang sa Yagit, siya na rin ang nakipag-usap sa GMA 7,” tsika ni James.

Sa GMA Artist Center nagsimula si James, kung saan nakasabay niya sina Toni Gonzaga, Roxanne Barcelo, Cogie Domingo, Luis Alandy, Angel Locsin, atbp.

ADVERTISING

Tungkol naman sa hindi mawalang tsismis kay James na may mayamang gay lover ito, pinagtatawanan na lang daw niya itong tsismis.

“Ilang taon na ‘yang isyu, pero sa tuwing tatanungin ako, kasama na ‘yan. Wala na bang iba?” nakatawang sagot ni James.

“At lagi ko namang sagot, sana totoo ‘yan. Kung may rich gay lover ako, hindi na sana ako nagtatrabaho at pabaka-bakasyon na lang ako with my family,” pagtatapos ni James na bakas naman ang kasiyahan sa pagbabalik sa bakuran ng GMA 7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING