Jam Sebastian ng Jamich, pumanaw na

ADVERTISING

Jamich 2 Jamich 1TULUYAN NANG NAGAPI sa kanyang pakikipaglaban sa stage 4 lung cancer si Jam Sebastian ng YouTube sensation na Jamich kaninang alas-10:30 ng umaga, Marso 4.

Sa Facebook post ng kanyang fiancée na si Mich Liggayu, hinikayat nito ang kanilang mga tagasuporta na ipagdasal si Jam at magpasalamat sa Panginoon.

ADVERTISING

“Pray tayo ulit. But this time mag thank you tayo kasi magiging happy na si Jam with God. Di na siya mahihirapan. Let’s pray na mapuno siya ng love and peace. Angels of God, embrace Jam. Protect him. Lead him, God,” ani Mich.

Hindi rin maipaliwanag ni Mich ang kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng kanyang fiancé na magdaraos sana ng kanyang ika-29 na kaarawan sa makalawang linggo.

“We love you Jam Fernando Sebastian. I’m sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven. Sana madream kita na ipaalam mo lang samin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thank you for everything… No words can explain. Until we meet again…” ayon sa post nito.

ADVERTISING

Matatandaang sumuko na si Jam sa kanyang laban at humiling na isagawa na lang ang mercy killing subalit hindi ito sinunod ng kanyang pamilya.

Noong Biyernes lang ay inilagay na sa life support si Jam. Pilit siyang lumaban subalit hindi na rin kinaya ng katawan ng binata.

Martes ng gabi, bumaba na ang blood pressure ni Jam at Miyerkules ng 10:30 ng umga, kinumpirma na ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian na pumanaw na ang kanyang anak.

Bumuhos naman ang luha at pakikiramay sa mga social media accounts ng Jamich.

 

Parazzi Reportorial Team

ADVERTISING