Jake Vargas, pinagbawalang humarap kay German Moreno

Jake Vargas, pinagbawalang humarap kay German Moreno

1 Jake-VargasAYON KAY Jake Vargas, ‘di pa sila nagkikita ng discoverer/manager niyang si German Moreno magmula nang maospital ang huli. Dinalaw naman daw niya si Kuya Germs sa ospital, pero pinagbawalan daw siyang humarap at makipag-usap rito.

When asked kung sino ngayon ang nangangalaga ng kanyang showbiz career habang nagpapagaling si Kuya Germs na balitang okey na raw ngayon at nakagagalaw at nakauusap na rin, pero kailangan pa rin ng ibayong gamutan, “Okey naman ang schedule at project na naka-line-up. Nandiyan po naman sina Tita Tsuchie at Tita Carmelite. Sila po muna ang nag-aasikaso ng mga gagawin kong project,” say ni Jake nang makausap namin sa grand presscon ng Liwanag sa Dilim.

Maagang dumating si Jake sa presscon kaya kinausap na namin ito para klaruhin ang naglalabasan na battered boyfriend daw siya?

“Hindi po ako battered boyfriend,” nakangiting say ni Jake. “Totoo nagkakatampuhan kami, pero kaagad din namin itong inaayos. Mahal ko po si Bea (Binene) kaya kahit siya ang may nagawang kasalanan, ako pa rin ang unang gumagawa ng paraan para kami magkaayos.”

Tinanong din namin kay Jake ang usap-usapan ngayon na tuluyan na raw silang nag-break ni Bea. Kesyo for the sake na lang daw ng kanilang movie, Liwanag sa Dilim, kaya ayaw nilang aminin ang totoong sitwasyon ng kanilang pagmamahalan.

Lalong tumibay ang hinala ng press nang dumating si Bea sa grand presscon na hindi man lang tumayo si Jake para lapitan si Bea at vice versa. Napilitan lang yata si Bea nang tawagin ng ilan press at tanungin kung bakit hindi siya lumalapit kay Jake samantalang magkasintahan sila. Saka lang lumapit si Bea sa kinauupuan ni Jake para ito tapikin sa balikat at hindi para makipagbeso-beso. Super deny pa rin ang dalawa na wala na sila at pinagpilitan na okey na okey sila.

When asked kung ano ba talaga ang sanhi ng madalas nilang tampuhan kaya sila madalas na magtalo, iisa ang naging sagot na dahilan nina Bea at Jake, ang selosan daw.

Katuwiran ni Jake, sa dalawang nagmamahalan daw ay ‘di nawawala ang selosan. Kung wala raw nadaramang selos ang isa’t isa ay parang hindi raw nila mahal ang isa’t isa.

Bukod kina Bea at Jake, kasama rin sa Liwanag sa Dilim si Sarah Labhati na mas lalong gumanda at sumeksi magmula nang magkaanak kay Richard Gutierrez.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo