Jake Vargas, nagrerebelde kay Kuya Germs?!

ADVERTISING

Jake Vargas, nagrerebelde kay Kuya Germs?!

Jake Vargas, nagrerebelde kay Kuya Germs?!ITINATANGGI NI German Moreno ang kumalat na balitang dalawang araw raw na hindi umuuwi si Jake Vargas.

Ang unang balitang nakarating sa Startalk, nawawala raw si Jake at hindi na ito umuuwi sa kanila.

Nasa girlfriend daw niya ito na taga-ABS-CBN 2. Baliw na baliw raw ito sa girlfriend niyang taga-Dos na kontra naman sina Kuya Germs at ang pamilya nito.

Nilinaw niya sa Startalk ang isyung ‘yun. Wala raw itong girlfriend sa kabilang istasyon at hindi naman daw naglayas o nawawala.

ADVERTISING

Aminado si Kuya Germs na nagkaroon lang daw ng tampuhan pero naaayos naman daw. Tampuhan daw ‘yun nina Jake at Bea Binene dahil sila na yata.

Abala kasi sa pagri-rehearse ang lahat na grupo ng bagong musical variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars at kasali doon siyempre si Jake.

Pero ang sabi, nawawala raw ito kaya hindi nakapag-practice. Pero alam ko naayos din at nakapag-rehearse naman ang young actor at kasali nga ito sa pilot episode ng SAS kahapon.

Nakikita nga raw na sweet na roon sila ni Bea. Naku ha! Ang babata pa, ‘no!

Hindi na ba sumusunod si Jake sa mga payo ng Tatay Germs niya?

Totoo bang nagrerebelde na raw si Jake? Naku, ha! Ang laki ng utang na loob ni Jake kay Kuya Germs at sa GMA-7, kaya dapat makinig siya at huwag magbago.

Madalas diyan nagsisimula ang pagbagsak ng mga artista, kaya dapat na mag-ingat siya, ‘no!

Jake Vargas, nagrerebelde kay Kuya Germs?!

HIT NA hit sa mga viewers ng Startalk ang dalawang anak ni Benjie Paras na sina Andre at Kobe ha!

Si Benjie ang isa sa na-feature namin sa Startalk sa Father’s Day episode namin at in-interview sila ni Ricky Lo.

Ang cute ng dalawang bagets na ito, ha! Nu’ng pina-plug pa lang ito ng Startalk, ang dami nang nag-react at curious sila sa dalawang nagguguwapuhang bagets.

Maingat ang mag-aama sa interview ni Ricky dahil iniiwasan na nila ang isyu, lalo na kay Jackie Forster.

Ayaw na talagang patulan ito ni Benjie kaya ayaw na niyang pagsalitain ang mga anak niya tungkol sa kanilang ina.

Ang dinig ko, ang panganay nilang anak na si Andre ang gustong magsalita para sagutin ang mga sinabi ni Jackie, pero pinigilan lang ito ni Benjie.

Ayaw na kasi ng aktor na lumaki pa ang isyu, at iniiwasan niyang masangkot pa sa ganitong intriga ang mga bata.

Gusto niyang normal lang ang paglaki sa mga bata at ‘yun nga, nahihilig na sa basketball ang mga bagets. Type din daw nilang mag-showbiz, pero mas gusto ni Benjie na i-prioritize ng mga bata ang pag-aaral. Kaya naman ‘yung guesting-guesting lang muna at commercials siguro.

Tingin ko d’yan mag-iingay uli si Jackie kapag maging active na sa showbiz ang mga bata.

Abangan n’yo sa Startalk sa darating na Sabado at baka guest uli namin ang dalawang guwapitong bagets na ‘to.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING