Jake Vargas, nagpa-tattoo ng pangalan ni Bea Binene

ADVERTISING

Jake Vargas, nagpa-tattoo ng pangalan ni Bea Binene

Bea-Binene-Jake-VargasANG GANDA-GANDA naman ni Bea Binene! Nabalitaan ko sa Startalk na nagpa-tattoo pala si Jake Vargas ng pangalan niya sa may kamay nito.

Ang kuwento ni Bea, nagpaalam daw si Jake sa kanya na magpa-tattoo ito. Wala naman daw siyang ideya na pangalan pala niya ang ipata-tattoo ng young actor.

Nagkita raw sila uli sa rehearsal ng Sunday All Stars, nakatago daw ang kamay ni Jake sa bandang likuran nito. Nu’ng tiningnan daw niya, nagulat siya na pangalan pala niya ang naka-tattoo. O, ‘di ba sweet?

Sabi naman ni Bea, na-touch siya siyempre. Pero hindi naman daw kailangang gawin ‘yun ng boyfriend niya.

ADVERTISING

“Siyempre, na-touch naman ako. Pero hindi naman nasusukat diyan eh,” sabi ni Bea.

Wala raw siyang balak na magpa-tattoo rin, pero natuwa naman siyang ganu’n siya ka-love ni Jake.

Hindi ako agree diyan sa tattoo tattoo na ‘yan. Naku si Tonton Gutierrez dati, nagpa-tattoo pa na “Shine” sa dibdib nu’ng sila pa ni Sunshine Cruz. Hindi naman nagtagal ang kung ano mang relasyon nila, hirap na hirap siya tuloy na patanggal ‘yun.

Ikaw ba si Glydel Mercado, kumportableng makita ang pangalang Shine sa dibdib ng dyowa mo? Kaya kahit masakit, tiniis talaga ni Tonton na matanggal ‘yun.

Kayo ba maniniwalang forever na ‘yang relasyon nina Jake at Bea? Panu kung mag-break? Matataypan naman kaya ng susunod na girlfriend niya kung may naka-tattoong ibang pangalan sa kamay ng boyfriend mo?

Unless, si Bea uli ang next girlfriend niya?

Bida na pala ang magka-loveteam na ito sa bagong movie project ng gagawin ng APT Productions na may pamagat na Liwanag sa Dilim. Horror daw ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING