Jake Vargas, naawa sa mga tinanggal na kasamahan sa show

Jake Vargas, naawa sa mga tinanggal na kasamahan sa show

Jake-VargasJAKE VARGAS shared that his manager German Moreno is doing okay after ma-mild stroke kamakailan.

“Medyo okay na siya pero hindi ko pa siya nakaakusap kasi bawal pa siyang kausapin. Nagpapalakas pa siya, bawal ma-stress sa kanya, sa bahay lang siya. Pero okay naman siya, nakakatayo siya, nakakapagsalita na siya.

“Dinalaw ko siya sa ospital pero hindi ko siya nakita. Pero sa bahay wala, hindi ko rin siya nakita. Hindi puwede, eh,” chika ni Jake sa presscon ng Liwanag sa Dilim.

Nasa bahay nila sa Subic si Jake nang ma-stroke si Kuya Germs.

“Nagulat talaga ako, hindi ko naman ini-expect ‘yun. Siguro napagod lang siya kasi me countdown tapos nabasa pa yata ng ulan kaya nagsuka-suka siya,” say ng binata.

Tuloy pa rin naman pala ang Walang Tulugan with the Master Showman. Sadly, merong natanggal, about 20.

“Siyempre nakakaawa kasi ang iba gusto ng exposure sa TV, gusto nilang sumikat. Kaya ako kapag nandoon sa Walang Tulugan ay hinayaan ko sila para magkaroon ng exposure. Kami, kahit ganoon ang nangyari ay ipagpapatuloy pa rin namin ang Walang Tulugan habang nagpapalakas si Kuya Germs.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas