Jake Vargas, na-offend sa ‘pambabastos’ ni Xian Lim

ADVERTISING

Jake Vargas, na-offend sa ‘pambabastos’ ni Xian Lim

Jake-Vargas Jake-VargasBUKAS PALA ay isi-celebrate ni German Moreno ang 18th anniversary ng Walang Tulugan na nagsimulang Master Showman.

Halos kasabay pala namin ang Master Showman at mukhang tuluy-tuloy pa ito dahil malakas ito sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

Kinuwento nga ni Darling de Jesus na may hawak nitong programa kung gaano ka-hit si Kuya Germs kapag isinasama ito sa mga GMA Pinoy TV launch sa ibang bansa.

Kaya tuluy-tuloy pa talaga ang Walang Tulugan ni Kuya Germs dahil punung-puno pa rin ng energy ang master showman.

ADVERTISING

Pinasaya nga ni Kuya Germs ang mga kaibigang reporter sa presscon ng programa niya dahil nagpa-raffle siya na lahat talaga nagwagi, ha!

Doon din sa presscon ay tinanong pala si Jake Vargas ng reaksyon niya sa ginawang pambabastos ni Xian Lim sa ka-lookalike ni Kim Chiu na tinawag niyang si Bea Binene.

Siyempre, pati si Bea ay parang nabastos din dahil hindi maganda ang pagkasabi niya na nainsulto itong ka-lookalike ni Kim Chiu at pati na rin si Bea.

Sabi ni Jake, na-offend siya sa ginawa ni Xian at hindi raw tama ‘yung ginawa niya sa babae na dapat daw ay nirerespeto.

Mabuti pa si Jake, alam ang tamang gawin sa mga kababaihan, hindi katulad ni Xian na hindi yata feel ang pagka-maginoo at tunay na lalaki.

Si Bea naman ay dedma na lang sa isyung iyun dahil wala naman daw siya ro’n.

Ayaw na lang niyang patulan at baka mapagbintangan pa siyang nakikisakay sa ginawa ni Xian.

Abangan n’yo na lang pala sa Sabado ang 18th anniversary celebration ni Kuya Germs ng Walang Tulugan na tiyak dadaluhan ito ng mga big stars na malapit sa kanya.

One month yata ang selebrasyon nito na iti-tape nila ngayong araw.

Congratulations Kuya Germs!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING