Jake Vargas, lutang sa pagkawala ni Kuya Germs

ADVERTISING

Jake Vargas, lutang sa pagkawala ni Kuya Germs

Jake-VargasNakaawa si Jake Vargas. Naka-floating ang career niya sa pagpanaw ni Kuya Germs (German Moreno) last Thursday at around past 3:00 am.

ADVERTISING

Tatay ang tawag ni Jake kay Kuya Germs. On his death bed sa ICU ng St. Lukes Hospital, nandun si Jake kasama ang ilang mga co-stars niya sa “Walang Tulugan with the Master Showman”.

Hindi pa nagsi-sink in sa binata ang pagkawala ng kanyang tatay nang makausap namin siya last Saturday evening sa tribute na ibinigay sa Master Showman sa Mt. Carmel Church grounds.

Very touching ang inalay na awitin ni Jake sa kanyang “tatay” noong gabing ‘yun. The original song sang by Dingdong Avanzado na “Maghihinty sa ‘Yo” ang inialay ni Jake na ang sabi sa umpukan namin was the first song na itinuro ng Mater Showman kay Jake Vargas noong nagsisimula pa lang ito.

ADVERTISING

At the end of the song, teary-eyed si Jake. Si Kuya Germs kasi ang sandigan ni Jake, hindi lang sa career niya adviser ang kanyang “tatay” kundi maging sa lovelife niya, lalo na noong panahon na sila ni Bea Binene, si Kuya Germs ang shock absorber ni Jake.

Sa ngayon, wala pa sa kamalayan ni Jake kung ano ang mangyayari sa kanyang career.

Ang wake ni Kuya Germs sa Mt. Carmel ay hanggang Tuesday na lang. Sa Wednesday at ililipat ang kanyang mga labi sa studio ng GMA Network at ang libing ay gagawin sa Thursday  sa Loyola Memorial Park sa Marikina ayon sa pamangkin niyang si John Nite.

Para kay Kuya Germs, rest in peace ka na. Quota na, Kuya Germs. Marami ka nang pinasaya. Buo na ang troika n’yo nina Ate Luds (Inday Badiday) at Kuya Ike (Lozada) sa heaven. Paki-regards na lang ako sa kanila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING