Jake Vargas, ipinagpalit na ni Bea Binene kay Derrick Monasterio

Jake Vargas, ipinagpalit na ni Bea Binene kay Derrick Monasterio

Jake-Vargas-Bea-Binene-Derrick-MonasterioNAISULAT NAMIN last week na split na nga sina Jake Vargas at Bea Binene. Ang dahilan, hindi lang pala si Derrick Monasterio, tulad ng una naming naisulat.

From a very realiable source, unang sumingit pala ang Kapuso Star na si Ken Chan sa lovelife ng JaBea, reason why sineryoso na ng binata na hiwalayan ang girlfriend.

Kaya nga noong nakaraang presscon ng Liwanag sa Dilim, kahit anong pilit nila na magpaka-sweet, hindi maitatago ang katotohanan na hindi na nila kering magpaka-sweet sa isa’t isa dahi waley na sila.

That same day, after the press launch ng pelikulang “aswang” na dinirek ni Richard Somes, patungong pictorial si Bea and guess who kung sino ang walang puknat niyang ka-text on the way to the shoot location? No less than Derrick na siyang “favorite” ngayon ni Bea.

Kuwento ng isang insider, “Parang mas intense ang sa kanila ni Derrick ngayon. Noong sila pa ni Jake pa, matapos magkausap or maka-text, tahimik na ang cellphone ni Bea. Pero this time habang ini-enjoy niya si Derrick, halos every minute nagri-ring at tsikahan sila ni Derrick.”

Reyted K
By RK VillaCorta