Jake Vargas, handa nang sumabak sa maseselang roles

ADVERTISING

Jake Vargas, handa nang sumabak sa maseselang roles

Jake-VargasUMANI NG malakas na hiyawan at palakpakan ang dalawang beses na halikan nina Jake Vargas at starlet na si Rita something sa Cinemalaya entry na Asintado, mula sa mahusay na direksiyon ni Direk Louie Ignacio na ipinalabas last Saturday sa CCP Main Theater.

Mukhang handa na nga yatang sumabak sa mas maseselan at mas matured roles si Jake sa mga susunod nitong proyekto. Bukod nga sa nasabing kissing scene, marami rin ang nakapansin sa galing umarte rito ni Jake na hindi nagpatalbog sa husay sa pagganap nina Aiko Melendez na given na ang pagiging mahusay na aktres, Migs Cuaderno at Gabby Eigenman.

Asia’s Next Top Model 1st runner-up Jodilly Pendre, in demand sa iba’t ibang bansa

AFTER TANGHALING 1st runner-up sa Cycle 2 ng Asia’s Next Top Model, kabi-kabila na ang offer kay Jodilly Pendre para mag-modelo sa Asya. Kuwento nga nito nang makausap namin sa pictorial ng mga endorser ng Headway Vera Salon sa Vic Fabe Photography sa Esna Bldg., Timog Ave., Quezon City, kung saan isa siya sa nag-eendorso nito, halos nalibot na niya ang ilang bnansa sa Asya para mag-modelo.

ADVERTISING

Sa ngayon nga raw, busy si Jodilly sa pagpo-promote ng kanyang ineendorsong sasakayan, ang Subaru, sa iba’t ibang Asian countries. Bukod pa rito ang pagpo-promote niya rin sa bansa ng PLDT, kung saan isa siya sa napiling ambassador ng nasabing kumpanya.

Plano rin daw ni Jodilly na maka-penetrate sa Europe at Amerika kaya naman daw may kausap na itong agent doon na magbibigay sa kanya ng mga proyekto sa Europa at Amerika.

Loyd Abella ng Walang Tulugan, malakas ang tama kay Lovi Poe

ISA SA maituturing na masuwerte among co-host ni Kuya German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman ang commercial model turn actor na si Loyd Abella na kasama rin at napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Teleserye na Half-Sisters na pinabibidahan nina Barbie Forteza,Thea Tolentino, Andre Paras, at Derek Monasterio.

Bukod sa Half-Sisters, nakapag-guest na rin si Loyd sa ilang shows ng GMA 7 katulad ng Maynila at Love Hotline. Mabenta ring commercial model/print ads at ilan nga rito ang BDO, Jollibee at Coke. Pangarap din nitong makapareha at makatrabaho ang kanyang fave actress/crush na si Lovi Poe sa mga teleserye ng GMA, dahil bukod daw sa mabait at maganda ay mahusay na aktres si Lovi.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING