Jake Vargas at Bea Binene, ‘di apektado ang trabaho kahit on the rocks ang relasyon

ADVERTISING

Jake Vargas at Bea Binene, ‘di apektado ang trabaho kahit on the rocks ang relasyon

Bea-Binene-Jake-VargasMARIING PINABULAANAN ni Jake Vargas na dahil on the rocks ang kanilang relasyon ni Bea Binene, hindi na nila kayang makipagtrabaho sa isa’t isa.
Tsika nga nito, “Wala namang problema if magkakatrabaho kami. Labas naman kasi ‘yung trabaho sa relasyon. Kumbaga, kailangan naming maging professional pagdating sa trabaho.
“Hindi naman ibig sabihin na hindi kami okey, magpapabaya na kami sa trabaho. Pareho naman kaming naka-focus at gustong magtrabaho kaya pareho kaming willing makipagtrabaho sa isa’t isa.

ADVERTISING

“Tsaka kahi’t may problema kami, never naman kaming nag-away ng grabe. Okey pa rin naman kami kapag nagkikita at nagkakasama. Lalo na ngayon na lagi kaming magkasama dahil sa promo ng Liwanag sa Dilim,” pagtatapos ni Jake.
Gawad-KabataanGawad Kabataan ambassador Justin Lee, may concert sa Iloilo sa Valentine’s Day

 

NGAYONG SASAPIT na Valentine’s Day (Feb. 14, 2015), isang concert ang hatid ng Gawad Kabataan ambassador na si Justin Lee, entitled “Awit ng Kabataan, Justin Lee in Concert” na gaganapin sa Football Field, Sta. Barbara, Iloilo City, 7pm at hatid ng SMAC TV Productions.

ADVERTISING

Magiging espesyal na panauhin nito ang kapwa Gawad Kabataan ambassador at ABS-CBN star na si Teejay Marquez, at ang mga Gawad Kabataan youth correspondent na sina Prince, Angelica, Chester, at Greco.

Kasama rin ang iba pang SMAC TV talents na sina Megan, Rain, at Grey. Ito’y hatid ng Penshoppe, M Lhuillier, GPRS at CM digi.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING