Jake Ejercito, tuwing weekend lang may pagkakataong makipag-bonding sa anak na si Ellie

ADVERTISING

Jake Ejercito, tuwing weekend lang may pagkakataong makipag-bonding sa anak na si Ellie

Jake Ejercito
Jake Ejercito

Masaya ang baguhang si Jake Ejercito dahil kahit hindi siya full-time na artista, nabigyan siya ng pansin sa kanyang pag-arte at exposure sa Kalye Serye ng “Eat… Bulaga!”.

Pasasalamat niya na napansin siya ng PMPC Star Awards for Television, kung saan siya naman ang male counterpart ni Ria Atayde na pinarangalan as Best New Male TV Personality.

Sa short tsikahan namin after he received his award sa coffee shop ng Novotel Araneta with his mom Laarni Enriquez, “I’m thankful for this award. I’m also thankful that the Aldub Nation, hindi ako binashed.

“I can’t go full-time in showbiz right now, because I have to finish my studies (Masters) in Business Management in Singapore (ang school niya ay affiliated sa isang London-based business school),” kuwento niya sa amin.

ADVERTISING

After ng awards night ng PMPC last Sunday, umuwi siya sa bahay nila para ayusin ang mga gamit niya and to take a shower and by two in the morning ay dapat nasa NAIA na siya for his five in the morning flight.

Monday early morning, hindi nakasakay sa first flight out of Manila to Singapore si Jake dahil nakatulog ito sa loob ng kanyang sasakyan at hindi ginising ng yaya niya na awang-awa sa kanya na hitsurang pagod na pagod.

Nang naalimpungatan at nagising, late na para makahabol siya sa flight at ang check-in counter ay sarado na.

Kaya ang siste, na-late si Jake sa kanyang morning class. Si Jake, nakasakay sa 2nd flight to Singapore noong umagang ‘yun.

Every weekend pala ay umuuwi sa Manila si Jake and every Monday morning balik ulit siya sa Singapore.

Nang uriratin ko kung kumusta na sila ni Andi Eigenmann, sabi niya, hindi sila nagkikita ng aktres. At kamusta si Baby Ellie? “I was with her this (Sunday).”

Tuwing weekend nagkakaroon ng chance ang mag-ama na mag-bonding.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING