Jake Ejercito, masinsinang pinakiusapan para maging “Jake” ni Yaya Dub

ADVERTISING

Jake Ejercito, masinsinang pinakiusapan para maging "Jake" ni Yaya Dub

Photo courtesy of Instagram: unoemilo
Photo courtesy of Instagram: unoemilo

After the long and exiting wait, nagpakilala na rin sa wakas kung sino si Jake na pinagseselosan ni Alden Richards sa kalyeserye nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Eat… Bulaga! last Saturday.

ADVERTISING

Yes, ang pihikan na ayaw talagang mag-showbiz na si Jake Ejercito, binata nina Manila Mayor Joseph Estrada at dating artista na si Laarni Enriquez ay napapayag na lumabas as “Jake” na sa kuwento ay classmate ni Yaya Dub.

If his name sounds familiar, yes, siya si Jake na na-link noon kay Andi Eigenmann na ang anak sa pagkadalaga, si Jake Ejercito ang itinuturong ama.

Pakiusapan daw ang nangyari. Kinausap nang masinsinan ni Tita Malou Choa-Fagar of TAPE, Inc. ang binata para sa role nito.

ADVERTISING

Ngayong nakilala na ng madlang pipol si “Jake”, siya na na ang makaka-love triangle ng AlDub.

I just wonder kung ano ang reaction ng AlDub Nation kay Jake. Kung ang mga fans at supporters nina Alden at Maine ay kasing babaw at mapusyaw tulad sa utak-biya ng ibang mga fans, kawawa naman si Jake sa mga bashers na ang gusto ay maging solid ang tambalang AlDub.

Sa paglabas ng column item na ito (Monday, January 11), kung walang aberya ay umalis na for Singapore ang binata to continue his studies na kasalukuyan ay nagma-masters sa kursong Business. Kung maalala pa, for a while, sa London nag-aral ang binata ng kanyang undergraduate degree.

Comparing Alden kay Jake sa educational attainment pa lang, dehado na si Alden. Kung looks, maglalaban ang dalawa, pero magkaibang-magkaiba ang dating nilang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING