Jake Ejercito, ginagamit daw si Andi Eigenmann sa pagpasok sa showbiz

ADVERTISING

Jake Ejercito, ginagamit daw si Andi Eigenmann sa pagpasok sa showbiz

Jake Ejercito
Jake Ejercito

Natawa ako sa kuwento ng kaibigang Jobert Sucaldito tungkol kay Jake Ejercito. Dahil bagito sa showbiz, madali palang ma-rattle ang guwapitong anak nina Manila Mayor Joseph Estrada at dating artista na si Laarni Enriquez sa mga intriga tungkol sa kanya.

Hind kasi showbiz. Hindi sanay sa tsismis at intriga na ang paglabas niya panaka-naka sa kalyeserye ng noontime show na “Eat… Bulaga!” ay hindi pa talaga final decision niya kung sasabak talaga siya sa showbiz at magseryoso bilang artista.

Pasulpot-sulpot lang si Jake sa klalyeserye. Pang-love triangle sa AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, dahil mas prayoridad ng binata ang kanyang pag-aaral ng business course sa Singapore.

Tungkol sa kabog na naramdaman niya nang maintriga muli siya tungkol sa former girlfriend na si Andi Eigenmann, tila hindi kampante si Jake sa sitwasyon niya sa showbiz.

ADVERTISING

Sa katunayan, matagal nang tapos ang isyu nila ni Andi (na si girl lang ang hindi nakamu-move on). Pero may respeto pa rin siya sa dating GF sa paulit-ulit na naman nitong pagbabalik-tanaw tungkol sa isyu nila ni Jake.

Pero ang latest na kumakalat na tsismis sa social media ay ginagamit ngayon ni Jake si Andi sa pagpasok niya sa showbiz, the fact na mas kilala si Andi kaysa sa kanya.

User ba si Jake? Kailangan ba niya talaga si Andi Eigenmann para maki-ride sa popularidad ng aktres para maging hot topic din ang binata?

Sa ganang akin, no need. Si Andi actually ay bahagi na lang ng nakaraan ng binata. Si Jake on his own effort ay Jake Ejercito na anak ni Erap at Laarni. Period.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING