Jake Ejercito excited na sa pagsabak sa kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN

Leo Bukas

TULOY NA TULOY na ang pag-aartista ni Jake Ejercito pagkatapos niyang pumirma ng kontrata last year sa Star Magic. Isa siya sa cast ng bagong Kapamilya series na Marry You, Marry Me na pagbibidahan nina Janine Gutierrez, Paulo Avelino at ang bagong  Kapamilya actress na si Sunshine Dizon.

“Actually ang haba ng pinagdaanan. I actually met the bosses it was a few days before the lockdown. It was a meeting with the understanding na pipirma na and everything. Kaso nga lang naudlot ng pandemic and it took a year bago natuloy.

Jake Ejercito excited na sa pagsabak sa kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN
Jake Ejercito

“I guess because of what happened last year, not only the pandemic but also the shutdown of the franchise, everyone just waited for things to settle down. The dynamics of the industry medyo nagkagulo din kasi. I guess now the time is right and everyone found a balance na.

“I’m just really excited because I’ve been waiting for quite a while, more than a year almost. So talagang I’m really excited to start acting and go to work and meeting all the people on cam and behind the cam. I’ve met a couple of kapamilyas na and feeling ko I belong,” kuwento ni Jake sa ginanap na virtual presscon ng ABS-CBN.

Eh, bakit nga ba ngayon lang siya nagdesisyon na pasukin ang showbiz?

“Actually growing up talaga I was exposed to two worlds, the world of showbiz and politics. Growing up it was either or of the two. At first I really wanted to follow my dad’s footsteps when it becomes to being a public servant. Yun talaga yung gusto ko before.

“But somewhere along the way I got disillusioned with our system here in the Philippines and yung pagpasok sa showbiz talagang it’s been at the back of my head lang ever since. Pero hindi ako pinayagan kasi gusto ng parents ko prioritize muna studies ko.

“Pero nandiyan lang siya talaga. Never nawala yung interest ko sa pagpasok sa showbiz,” paliwanag ng daddy  ni  Ellie sa dati niyang karelasyon na si Andi Eigenmann.

Excited na si Jake sa taping ng Marry You Marry Me at sa magiging experience niya kasama ng buong cast.

Aniya,  “When I got the offer to do this project and I saw the cast I would be working with, it was so overwhelming, exciting, and nerve-wracking at the same time. I’m so grateful sa Dreamscape for giving me this chance.

“Maganda ang story niya kasi it’s what the viewers need ngayon kasi itong show it’s not your typical drama. It’s lighter than usual. So feeling ko maganda yung time na ito yung mai-offer natin sa mga viewers natin ngayon.”