Jake Ejercito, binalikan si Andi Eigenmann?

ADVERTISING

Jake Ejercito, binalikan si Andi Eigenmann?

Andi-Eigenmann-Jake-EjercitoILANG BESES nang naghiwalay at nagkaayos sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Whether they like it or not ay kakabit na ng kanilang pangalan ang isa’t isa. Everything about them becomes public kahit wala sa showbiz si Jake. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila dahil gustong malaman ng publiko ang kahihinatnan ng kanilang relasyon na matagal nang sinusubaybayan.

Kamakailan lang ay nag-post si Jake sa Instagram ng kanyang photo together with Ellie, Andi’s daughter, with the caption “Happy Birthday to this sweet little princess! Stay an angel, my love!”

Marami tuloy ang nag-akalang muling nagkabalikan ang dalawa pero taliwas ito sa lumabas na larawan ni Andi kasama ang isang unidentified guy. Andi talked about the mysterious guy during the story conference of her new film. “Si Bret (Jackson) iyon. I think that standing in line at a fast food chain doesn’t mean anything. Iyong mga tao minsan assumption to the highest level talaga.”

Bret was linked to Andi pero naudlot diumano ang kanilang gumagandang samahan nang lumutang ang isyung nagkabalikan sina Andi and Jake. The two insist they remain good friends. “Para sa akin, hindi porke’t hindi kami nagkatuluyan masama na akong tao. Para sa akin, Bret is a good person. He is mature. He is open-minded enough to accept that. He was there for me and he still is,” sabi ni Andi.

ADVERTISING

Nagsalita rin siya tungkol sa post ni Jake. “Hindi tungkol sa akin ang post. It has nothing to do with me. I just want to clarify that it’s not a way to get me back. He has a relationship with my daughter. My daughter knows him, he knows my daughter and so it’s not wrong. Hindi kailangang bigyan ng iba pang ibig sabihin iyong pag-post na iyon. He cares about my daughter so he posted about my daughter and greeted my daughter pero walang ibig sabihin [iyon].”

What is the real score between them? “This time I want to be sure that I am really careful. Kung alam ko na iyong pinagdaanan sa isang bagay, gusto ko mag-ingat na. Hindi ako papasok ulit o maniniwala sa lahat para lang bumalik sa same thing na iyon. Pareho kaming nagkamali. Whatever I’m doing with my life right now is for myself. He is doing his thing and I am doing mine. We will never know. Hindi ako nagsasalita ng tapos but as of now, it’s not my priority.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING