Jake Cuenca, walang pinanghihinayangan sa failed relationships niya

MAG-AMA ang Kapamilya stars na sina Jake Cuenca at Charlie Dizon sa teleseryeng ‘Viral Scandal’ na nagtapos noong nakaraang buwan. Gayunpaman, pinaunlakan ng aktor ang kanyang ‘anak-anakan’ sa huling TV project niya at sinagot nito ang ilan sa mga katanungan ng dalaga para sa kanyang bagong vlog channel.

Jake Cuenca, walang pinanghihinayangan sa failed relationships niya
Jake Cuenca

Alam naman ng mga fans na colorful ang past relationships ni Jake kaya naman isang advice ang kanyang tinuran sa mas batang artista.

“Siguro now at this point in my life, 34, my most mature point, parang I wouldn’t do things differently, ganun talaga ako magmahal. I give everything and in the end if it doesn’t work out or if it works out, at least you gave it your best. No regrets,” sambit ni Jake na noong Abril ay kinumpirma ang hiwalayan nila ng longtime girlfriend na si Kylie Verzosa.

Sa tanong kung naniniwala pa ba siya sa love,  “Of course. It’s what makes the world go round.”

Pagdating sa payo tungkol sa mga taong sawi sa pag-ibig, dapat daw ay unang lapitan ang pamilya. “Because your family only has your best interests at heart. They won’t give you advice that’s going to benefit them. They’ll only give the best advice that will benefit you,” aniya.

Among her exes, sino kaya ang bet balikan ni Jake? Meron ba?

“Kung mayroon man akong natutunan ay huwag sumagot ng patapos. So maybe yes we will never know. I’d rather say yes than no,” ani Jake.

Previous articleThings You Didn’t Know About Ruru Madrid
Next articleFINAL NA: FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, magtatapos na