Jake Cuenca, wa care sa pagrampa kahit namumutok ang bilbil

ADVERTISING

Jake Cuenca, wa care sa pagrampa kahit namumutok ang bilbil

Jake-Cuenca IN FAIRNESS, hindi pa rin naman binibigo ni Ben Chan ang mga tumatangkilik at mga abangers sa Bench Fashion Show every two years.
Hindi na kami nagpursige pa na manood, dahil naka-mindset na kami na aabangan na lang namin ang mga posts ng mga spectators at ng mga kaibigan sa kani-kanilang social media accounts.
Dahil sa totoo lang, patalbugan at “outscoop-an” ang ganap sa social media.
Sa mga pictures na nakita at nabasa namin ang mga captions, bilib pa rin ang karamihan kay Jake Cuenca dahil sa kabila ng pagputok ng bilbil ng aktor ay wa care pa rin ang drama niya at rumampa pa rin siyang kita ang puwet at present ang kanyang signature pose na laging galit at seryoso ang fez.
Tinilian daw sina Dennis Trillo at (lalo na si) Tom Rodriguez, dahil rumampa silang naka-briefs at putok na putok ang harapan. Nang-tease pa itong si Tom na ang akala nang lahat ay ipo-flaunt niya ang kanyang birdie.
Si Dominic Roque ay maraming “nasarapan” at ganundin kay Enchong Dee na hapit ang boxer briefs nito at napakakinis daw ng katawan.
Si Martin del Rosario na isinyut pa ang isang kamay sa butas ng kanyang briefs.
At siyempre, sina Jeron at Jeric Teng na magaganda rin ang katawan.
Si Coco Martin ay consistent pa rin na balot na balot ang katawan at ang pinakatinilian nang bongga ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Hanggang dito na lamang at bigla kong naalala at na-miss nang bongga si Tito Douglas Quijano na siyang nagbibigay sa amin ng tickets sa tuwing me Bench Fashion Show.
‘Di bale , sa susunod, watch na talaga ako. Promise.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING