Jake Cuenca, tinablan sa love scene nila ni Arci Muñoz

ADVERTISING

Jake Cuenca, tinablan sa love scene nila ni Arci Muñoz

Jake Cuenca, tinablan sa love scene nila ni Arci Muñoz Tinalaban si Jake Cuenca sa maiinit na eksenang kissing at love scenes nila ni Arci Muñoz, leading lady ng actor sa hot teleseryeng “Pasion De Amor” ng Kapamilya Network. Inamin ng actor na nagising ang kanyang pagkalalaki sa intimate love scene na naglalampungan sila ng sexy actress. Umabot na nga raw sa point na lumagpas na si Jake sa boundary. Palibhasa magaling si Direk Eric Quizon kaya walang naging problema.

ADVERTISING

May naramdaman din si Arci Muñoz na kakaiba habang nagtatalik sila ni Jake, na-feel nito ang pagkalalaki ng binata. Buti na lang matagal na silang magkaibigan ng actor, deadma na lang ang dalaga. Trabaho lang daw ito, ayaw nitong bigyan ng malisya. Kung minsan naa-out of control, pero okay lang kay Arci dahil  very realistic naman lumabas ang eksena.

Buong ningning na sinabi ni Arci na masarap humalik si Jake Cuenca, pero hindi nagte-take advantage sa sitwasyon kahit daring ang mga eksena nila. Ginagawa lang ng actor ‘yung character na ginagampanan niya na kinakailangan sa eksena. Pinuri ni Arci ang kanyang leadingman sa pagiging professional nito as an actor. Gamay na nina Jake at Arci ang isa’t isa kaya nagagawa nila nang tama ang mga hot love scenes.

Hindi rin nagpaawat si Joseph Marco na kasama sa cast ng PDA sa pag-amin na tinalaban din siya sa very hot na kissing at love scene nila ni Coleen Garcia. Kahit sino namang lalaki, madadala sa ganda at kaseksihan ng dyowa ni Billy Crawford. Natural lang naman sa lalaki na maapektuhan ang pagkalalaki kung isang tulad ni Coleen ang makatatalik mo kahit eksena lang ito.

ADVERTISING

Inisip na lang ni Joseph na trabaho lang itong ginagawa nila ni Coleen, kailangan sa eksena. Matagal nang magkaibigan ang dalawa kaya relax ang young actress sa mga intimate scenes nila ng actor. Knows kaya ni Billy na may mga sizzling scene si Coleen with  Joseph sa seryeng ito? Alam pala ng singer/TV host na may mga ganitong eksena dahil nasa script. Hindi na lang daw pinanonood ni Billy para wala siyang makita, ayon sa sexy actress.

Pinaka-wild ang lovemaking nina Ellen Adarna at Ejay Falcon compared kina Jake-Arci at Joseph-Coleen. Sila ‘yung kahit saan p’wede kapag na-feel nilang kailangan nila ang isa’t isa. Bigay na bigay nga ang love scene nila dahil nabalita na nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Umamin si Ejay na nanligaw siya sa sexy actress. Hindi malinaw kung naging sila o nagkatikiman lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING