Jake Cuenca, nakadidismaya ang huling rampa

ADVERTISING

Jake Cuenca, nakadidismaya ang huling rampa

Jake-CuencaKUNG KAILAN pa naman huling rampa na raw ni Jake Cuence ang katatapos na The Naked Truth last Saturday ay mukhang hindi naman naging maganda sa paningin ng lahat. Dismayado. Bakit? Aba, medyo mataba yata itong si Jake at may tiyan ito.

ADVERTISING

Nagpakita man siya ng kanyang hubad na katawan ay marami naman ang nadismaya.

Hindi yata niya napaghandaan ang sinasabi niyang huling rampa. Mukhang naging focus siya sa kanyang pag-aaral sa Lee Strasberg Theatre and Film Institute, a highly reputed acting school in New York City.

Kung sa bagay, hindi naman siya bold star, ‘no!

ADVERTISING

Vey versatile si Jake dahil nga bukod sa good actor ay mahusay rin siyang host dahil nga siya sa mga host ng 6th Star Awards for Music.

At malay natin sa kanyang pagbabalik after niyang mag-aral ay isa na rin siyang acting coach.

Aba, bihira ‘ata ang makapag-aral sa New York. Sa September 29 na ang kanyang pag-alis ng bansa.

 

KURYENTE ANG tsikang comatose ang dating producer ng Seiko Films  na si Robbie Tan. At nasa Baguio City raw ito namamalagi. Kung sinuman ang nagkakalat ng maling balita ay tumigil na po.

Ayon kasi kay Ces Evangelista sa facebook ay kausap niya ang dating produ at walang katotohanan, kaya sana tigil na ang nagkakalat… Baka kayo balikan ng karma.

 

John-PolMADALANG MAN kaming bumisita sa Walang Tulugan ng Master Showman na si German Morero ay nakakaaliw naman talaga ang kanyang show na halos dekada na rin ang tinatakbo.

At nagulat kami dahil nga malaki ang ipinagbago ng show. Bukod sa maaga na siyang pumapasok sa ere, 11:15 o 11:30 pm na ito ay naging fabulous na ang mga producton number.

Pati ang stage design ay bonggang-bongga na rin, di tulad nung dati. Mahusay ang direksyon ng bagong director nila na si Direk Bam Salvani.

Napansin namin ang very talented na si John Pol na kapag umawit na ay talaga namang hahanga ka. Maganda na ang boses ay guwapung-guwapo pa.

At last Sunday nga ay isa presenters itong si John Pol sa Solaire Grand Ballroom sa very successful na 6th Star Awards For Music. Kasama niyang naging presenter ang very talented na si Marion Aunor at star recoring artist na si Renzo Vergara, na parehong nominated as best new recording artist male and female.

Sa totoo lang, marami ang humanga kay John Pol nu’ng gabi ng Star Awards. Mahusya rin siyang magdala ng damit at magbigkas ng winner. Malapit na rin ilabas ang kanyang album. Nakapalood sa album ang isang Christmas song.

For more infos, visit and like John Pol sa fb page, www.facebook.com/IamJohnPol.

‘Yun na.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING