Jake Cuenca, lied? Melissa Ricks admits their relationship is over!

ADVERTISING

 

Jake Cuenca, lied? Melissa Ricks admits their relationship is over!

ADVERTISING

 

Jake Cuenca, lied? Melissa Ricks admits their relationship is over!   SI MELISSA RICKS pala ang aamin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jake Cuenca. Na nababalita na ngang on the rocks na kundi man hiwalay.

launch ng isang endorsement ni Melissa, ibinulalas na totoo ngang wala na sila ni Jake!

ADVERTISING

Inamin din ng aktres na pagod na pagod na siya sa kaiiwas sa pagsagot sa mga inuukilkil na tanong sa kanya ng press hinggil sa kanila ni Jake.

The last time kasi na makaharap ng press si Jake, itinanggi pa ng binata na hindi totoong hiwalay sila ni Melissa. Hindi nga lang daw madalas ang communications nila dahil pareho silang busy. Pero sila pa rin daw.

Pero mukhang hindi na nakayanan ni Melissa ang pagtatago sa kinahantungan ng kanilang dalawang taong relasyon. At siniguro naman nitong hindi third party ang pinag-ugatan ng nasabing hiwalayan.

Nagkaroon na nga lang daw sila ng differences. Dahil naiba na rin ang mga priorities nila.

Kung si Jake naman ngayon ang usisain ng press about it, hindi naman na siguro niya pagtatakpan pa ang inamin na ng kanyang matatawag na ex-girlfriend na sa puntong ito.

 

TAMA NGA! WHEN it rains, it pours!

Ito ngayon ang sunud-sunod na nangyayari sa buhay ng dalagang si Karylle, na nagiging paboritong endorser ng mga produkto dahil na rin sa rami ng puwede nitong gawin bukod sa pagiging aktres at singer. Isa rin siyang athlete at writer.

Kaya halos araw-araw eh, nakaka-tsika ni Karylle ang press. Nauna na sa Philips. Sumunod ‘yung para sa kanyang The Kitchen Musical in Singapore, at ito ngang Fruitas, bago siya lumipad patungong Lion City para sa nasabing play.

Nabanggit noon ni Karylle na uusisain niya ang inang si Zsa Zsa Padilla sa mga bagong kuwento rito at sa Tito Dolphy niya after na ma-grant na ang annulment ng kasal nito sa kanyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Pero nag-bake lang daw sila ng cookies and muffins noong birthday ni Zsa Zsa sa tahanan nila at nandu’n din ang Tito Dolphy niya. Akala nga raw niya eh, may mai-scoop na siya. Pero after ng kantahan portion nila, inantok na ang kanyang ina.

Basta ang nalaman lang daw niya, tatlong pares ng Jimmy Choo shoes (gold, floral and white) ang iniregalo ni Tito Dolphy niya sa Mommy niya. Hindi pa raw singsing.

Inamin ni Karylle na nabangga nga ang kanyang sasakyan nang utusan niya ang dri-ver niyang bumili ng prutas. At hindi naikaila na sinundo pala nito ang sinasabing basically eh, malapit ngayon sa puso niyang bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon.

Kerek! Nakita na namin sa album ni Karylle ang tinutukoy niyang level ng pagpapalagayan nila ni Yael, BASICALLY FRUITFUL!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING