Jake Cuenca kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa

MISMONG ang hunk actor na si Jake Cuenca na ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng 2016 Miss International turned sexy actress na si Kylie Verzosa pagkatapos ng tatlong taong pagsasama.

Binasag ng aktor ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pagpost ng mahaba-habang mensahe sa Instagram.

Jake Cuenca kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa
Kylie Verzosa and Jake Cuenca

“This was us.” panimula ng aktor.

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways. I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. Certainly, that’s what I will be holding on to.

I will still be here to support you because In so many ways I feel part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. Holding hands As friends. Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity. know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.” pagtatapos ni Jake.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kampo ni Kylie, ngunit nag-umpisa ang pagdududa ng mga madlang pipol nang maiyak si Kylie sa It’s Showtime noong nakaraang linggo. Naging mailap din siya sa pagsagot sa katanungan ng press tungkol sa kanyang private love life.

Previous articleLexi Gonzales at Juan Carlos Galano magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: My Third Wish’
Next articleKPOP Album Review: DICE by ONEW