Jake Cuenca & Kim Chiu: This Crazy Love!

ADVERTISING

Kim-Chiu-Jake-CuencaJAKE CUENCA
Real Name: Juan Carlos Leveriza Cuenca
Birthdate: December 30, 1987
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday

KIM CHIU
Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu
Birthdate: April 19, 1990
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

ADVERTISING

BALIW NA baliw si Franco kay Isabelle, ang mga karakter na ginagampanan nina Jake Cuenca at Kim Chiu sa primetime series na Ikaw Lamang. Hindi ito ang kauna-unahang pagtatambak ng Jake-Kim, pero lately lang sila nakikitaan ng chemistry. Siguro talagang mas bet lang talaga ng madlang pipol na si Julia Montes ang kaeksena ni Coco palagi sa nasabing show. In all honesty, mas bagay naman kasi talaga sila. Mas okay na rin siguro talaga kung i-push na lang ng Dos ang Jake-Kim… not unless ipasok nila si Papa Gerald o Xian!
Speaking of Jake-Kim, we just thought of the possibilities of them together in real-life. Keri naman kaya?
To tell you the truth, this partnership is not bad at all! Parehong motivated individuals, focused sila pagdating sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Magkaiba nga lang sila ng paraan. Ang Aries ay mas focused sa pagiging independent at creative, habang ang Capricorn naman ay mas nasa safe side, meaning he wants consistency and stability. Naaalibadbaran ang Aries sa pagsunod sa normal rules.
Ang Capricorn ay mas nakapagtatrabaho sa lugar kung saan may boss at may mga sinusunod na patakaran. Mahilig din itong sumunod sa mga tradisyon at kultura, na once again ay hindi trip ng Aries. Ang pagiging impulsive din ng Aries sa mga desisyon ay puwedeng pagmulan ng away nila ng Capricorn. On the lighter side, ang Aries ay puwedeng maging source of inspiration ng Capricorn. Fearless kasi ito, eh! Matuturuan naman ng Capricorn ang Aries kung paano maging organized at patient sa mga importanteng bagay tulad ng trabaho at pamilya. Maraming adjustments ang kailangan sa relasyong ito, pero iisa lang naman ang kanilang goal. Kailangan lang nilang irespeto ang kanilang differences. Parang sina Professor X at Mystique lang ‘yan ng X-MEN, eh! Hekhek!
Kung gusto ng Capricorn at Aries na maging successful ang kanilang relationship, kailangan nilang matutunang mag-adjust at mag-compromise. Ang pagiging playing safe ng Capricorn ay very much different sa pagiging spontaneous ng Aries. Kahit na opposite ang kanilang ways, this union is not impossible. Why? Dito applicable ang saying na ‘opposites attract’. Konting tiyaga lang po! Parang sina Franco at Isabelle lang din ng Ikaw Lamang ang tutularan in real-life ng Jake-Kim if they give this thingy a chance.
Hmmm… not bad at all! Bakit nga ba hindi na lang kayong dalawa ang magmahalan kasi? Hihihi!

Pares-Pares

By Madam DaminJake Cuenca & Kim Chiu: This Crazy Love!

ADVERTISING
ADVERTISING