Jake Cuenca, ini-enjoy lang ang Fil-Australian model

ADVERTISING

Jake Cuenca, ini-enjoy lang ang Fil-Australian model

Jake-CuencaHANGGANG NGAYON wala pang official statement si Jake Cuenca kung girlfriend nga niya ang Fil-Australian model na si Chanel Olive Thomas. Kahit ilang beses niyang nai-post ang kanilang intimate moment sa kanyang Instagram last month. Ayaw nitong mag-comment, ini-enjoy  muna raw nila ang isa’t isa at hindi nila napag-uusapan kung sila na nga o kung saan papunta ang kanilang relationship.

Natatawa lang si Jake kapag napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Chanel. Ayaw nitong magbigay ng details about their romantic relationship. Hindi raw ibig sabihin if you go out with someone, she’s the one. Their having fun, no serious relationship involve, paglilinaw ni Jake.

Nilinaw pa ni Jake, he’s still single kaya’t libre siyang makipag-date sa babaeng gusto niya. If ever daw maging sila ni Chanel, hindi niya ito itatago. Aaminin niya ang kanilang relationship. As of now, hayaan muna raw natin siya. Kung dumating ‘yung time na talagang para sila sa isa’t isa, mangyayari ‘yun. This time, gusto ni Jake may privacy ang kanyang personal life. ‘Yung hindi pinagpipiyestatahan tulad ng nangyari sa past showbiz relationships niya.

Focus daw muna si Jake sa kanyang career, ayaw muna nitong pumasok sa isang serious relationship. Kailangan daw ang babaeng magiging girlfriend niya, nauunawaan ang kanyang propesyon as an actor. ‘Yung nagkakaintindihan sila at magkasundo sa maraming bagay.

ADVERTISING

“If she’s the one, hindi ko na siya pakakawalan. Mararamdaman mo na ‘yun. Iba ‘yung feeling, mahirap i-explain,” simpleng sagot ni Jake, pero makahulugan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING