Jake Cuenca, handang isakripisyo ang career para sa girlfriend

Jake Cuenca, handang isakripisyo ang career para sa girlfriend

Jake-CuencaNAG-TRENDING AGAD ang unang episode ng Pinoy remake ng bagong serye ng ABS-CBN na Pasion De Amor na nagsimulang umere nitong Lunes, June 1. Bida rito sina Arci Muñoz, Coleen Garcia, Ellen Adarna, Ejay Falcon, Joseph Marco, at si Jake Cuenca na sobrang natutuwa raw dahil good guy ang character niya rito.

“It feels different,” sabi nga ng aktor. “It’s really different. It’s challenging.  Kasi it’s completely different.”

Iba ang aura ngayon ni Jake. Mukha siyang sobrang inspired na laging nakangiti at may kakaibang glow sa kanyang mga  mata. Dahil ba ito sa Irish-American girlfriend niya ngayon na si Sara Grace Kelly?

“She’s the only girl that brought the light side of me,” aniya.

“She brought up this whole side of me that I thought wasn’t there anymore. Parang I became so much more… less serious, more fun, and more spontaneous. Na parang… at that time (bago niya makilala si Sara) parang nawala ‘yon, e. Kasi I’m so focused in my career and everything. And then she just brings out this whole different side of me.”

Totoo ba na may nasabi siya na if ever na hilingin ni Sara na iwan niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas and follow her sa America, gagawin niya?

“She’ll never let me do that.  But… I mean if I have to drop everything for her, I will. I’ll do it for her.”

Tapos nang kumuha ng acting classes si Jake sa New York. This time, plano naman daw niyang bumalik doon para naman mag-aral ng directing.

“Yeah! Pagkatapos ng Pasion De Amor. More or less, I wanna do another movie. And then Pasion de Amor. And then, study directing.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan