Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, at iba pang Star Magic artists, negative sa drug test!

ADVERTISING

Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, at iba pang Star Magic artists, negative sa drug test!

Jake Cuenca, Diego Loyzaga & Enrique Gil
Jake Cuenca, Diego Loyzaga & Enrique Gil

Nagpa-drug test nu’ng Saturday (August 27) ang Kapamilya actors na sina Enrique Gil, Jake Cuenca, at Diego Loyzaga para pabulaanan ang balitang under surveillance sila ng PNP at kasama sa drug list ng mga artistang diumano’y gumagamit ng illegal drugs.

Base sa resulta ng drug test, lumabas na negatibo sina Enrique, Diego, at Jake at walang nakitang kahit anong illegal drug substance sa kanilang katawan.

“Clear naman! And ‘yung initiatives na sila pa mismo ang magpa-drug test para malinis din ’yung pangalan nila, that is really a good sign na drug-free rin talaga sila,” sabi pa ng aming source.

Bago pa ang desisyon na boluntaryong magpa-drug test si Enrique, umugong ang balitang nasa listahan siya ng mga “user”. Sa isang radio program ay nabanggit din ang palayaw niya (Quen) ng nagpakilalang “pusher” na isa ang actor sa gumagamit ng bawal na gamot.

ADVERTISING

Ayon naman sa statement na ipinadala ng Star Magic sa amin kahapon, halos 40 sa kanilang contract stars ang sumailalim na sa boluntaryong drug testing.

“Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community. Results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, and the rest of Star Magic artists.

“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug free,” bahagi ng kanilang official statement.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING