Jake Cuenca & Arci Muñoz: Passionately Yours

ADVERTISING

Arci-Munoz-Jake-CuencaJAKE CUENCA
Real Name: Juan Carlos Leveriza Cuenca
Birthdate: December 30, 1987
Zodiac Sign: Capricorn

ARCI MUÑOZ
Real Name: Ramona Cecilia Datuin Muñoz
Birthdate: January 12, 1989
Zodiac Sign: Capricorn

MAITUTURING NA isang ‘risk’ sa parte ng ABS-CBN na pagsamahin sina Jake Cuenca at Arci Muñoz sa Pinoy version ng Pasion de Amor. Unang-una, ito ang first project ng dalaga sa Kapamilya Network after serving her duties sa GMA 7 at TV5. Kontrabida ang aura ni ate noong nasa Starstruck pa ito, pero nag-transform ito into one of TV5’s Princesses nang magbida sa Nagbabagang Bulaklak at Felina. She took a risk auditioning for Two Wives, pero sa Pasion de Amor siya napasabak.
Si Jake Cuenca naman ay galing sa very successful villain role via Ikaw Lamang, kung saan talaga namang nilamon niya sa aktingan ang mga kasamahan niya. Gone are the days when Jake Cuenca relied on a loveteam, but he is sure to deliver as far as acting is concern.
Bilang Juan at Norma sa Pasion de Amor, silang dalawa ang pinakabida sa programa. Some were skeptical if they have chemistry pero in fairness, they proved the doubters wrong. Kung sina Ejay at Ellen bilang Oscar at Sari ay seductive sa kanilang eksena, masasabi na romantic ang dating nina Juan at Norma. Who would’ve thought?
Alam nating lahat na committed sa kani-kanilang non-showbiz dyowabels ang dalawa. If we live in an ideal hacienda for a love story to blossom, may chance kaya ang Jake-Arci? Try natin!
Sino pa ba ang makaiintindi sa Capricorn kundi ang kapwa nito Capricorn? Pareho nilang pinaiiral ang utak bago puso. Practical ang kanilang approach sa buhay and they believe in hardwork. Hindi kailangang madaliin ang baga-bagay para maging matagumpay. Slowly, but surely ang motto nila sa buhay. Very loyal, sincere and mature when it comes to relationships.
Iba ang impact ng pagsasanib-puwersa ng Capricorns whether in business or love relationships. Hindi man agad-agad makikita ang resulta, sure ball naman ang victory in the end! They also have this ability to hide their true feelings kaya para bang nakasuot sila ng ‘invisible mask’. Sa pagiging seryoso, may tendency na maging dull and boring ang kanilang personal life. P’wede rin itong mag-cause ng emotional detachment sa magdyowa.
Para mag-work ang relasyon ng dalawang Capricorn, kailangan nilang mag-allot ng time to set aside business and serious stuff and let their sensual side lose or it might be the end for them. Parang sa love story lang talaga nina Juan at Norma, ‘noh? Hekhek!
Konting adjustment lang at time to be lovey dovey with each other, this tandem will go places. Hmmmm… huwag na tayong magtaka kung pagkatapos ng proyektong ito ay mabalitaan natin na nagkakadebelopan na sila. Walang makapipigil!

Pares-Pares

By Madam DaminJake Cuenca & Arci Muñoz: Passionately Yours

ADVERTISING
ADVERTISING