Jake Cuenca, apektado sa panliligaw ni Jolo Revilla kay Melissa Ricks?! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Jake Cuenca, apektado sa panliligaw ni Jolo Revilla kay Melissa Ricks?! – Gorgy’s ParkHINDI NA YATA publicity sa Pepeng Agimat ang sobrang sweet at close ngayon ni Jolo Revilla kay Melissa Ricks.

Dati akala namin para lang sa pagsisimula ng Pepeng Agimat sa ABS-CBN 2 para ma-drumbeat nang husto ang fantaserye pero mukhang na-develop na yata ang binata nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.

ADVERTISING

Bongga raw itong Jolo kung magbuhos ng regalo kay Mellisa tuwing magkikita sila sa taping.

Kamakailan lang, sa mall show nina Mellisa at Matt Evans sa SM Sucat, nabigla si Mellisa nang umakyat ang driver ni Jolo sa stage para ibigay ang bulaklak na binili ni Jolo para sa kanya.

Touched na touched si Mellisa kay Jolo dahil hindi lang ‘yun, pati pala sa taping nila laging may dalang regalo ito sa kanya.

ADVERTISING

Kinukulit ko si Jolo kung anu-anong ibinibigay niya kay Mellisa, tawa lang ito nang tawa. Pero ang huling narinig ko, binigyan daw niya ito ng Hello Kitty na limited edition.

Nu’ng nakaraang Biyernes sa show ng Star Magic sa Araneta Coliseum, nagpadala rin doon si Jolo ng bulaklak kay Melissa na nasaksihan ng karamihang artistang nandu’n sa backstage.

Nakita raw mismo ni Jake Cuenca ang bulaklak na ipinadala ni Jolo at tahimik lang daw ito pero obvious na apektado.

Hiningan namin ng reaksiyon si Sen. Bong Revilla sa panunuyo ni Jolo kay Mellisa at ang break-up nila ni Lovi Poe, pero hindi na ito sumagot.

Hindi naman daw siya nakikialam sa lovelife ng mga anak niya kaya wala siyang masasabi kung sino man ang gustong mahalin ni Jolo. Ang mahalaga, maayos daw itong nagtatrabaho at huwag lang pabayaan ang kanyang pag-aaral.

MUKHANG KAMPANTE NA raw ngayon si Marian Rivera at wala na kaming naririnig na nagseselos ito kay Rhian Ramos na bumagay namang ka-partner ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven.

Nakikita naman kung paano bigyang-halaga ni Dingdong ang relasyon nila kaya wala nang dapat ipagselos si Marian.

In fairness, nakikita na ngayon ang chemistry nina Dingdong at Rhian at lalong gumaganda ang takbo ng kuwento ng Stairway kaya pataas nang pataas ang rating nito. Kapag pinapanood mo ito, kitang-kitang in love na in love sila bilang Cholo at Jodi.

Pero sa tunay na buhay, si Marian pa rin ang love ni Dingdong at ito nga ang unang-unang nagtanggol sa dalaga nang naintriga na naman itong nagmaldita na naman daw sa batang fan nito. May lumabas na intrigang itinulak daw ni Marian ang batang fan na gusto lang magpa-autograph sa kanya.

Sey ni Dingdong, mahal na mahal ni Marian ang mga bata kaya imposibleng gawin niya ito. Sana raw bago maglabas ng mga ganitong paninira, tiniyak muna kung totoo dahil lalo naman daw nilang pinababa ang pagkatao ng aktres.

Kaya patuloy ngang tinatangkilik ang Darna dahil sa followers nito na karamihan ay mga batang sumusubaybay rito.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING