JAKBIE FOR REEL AND REAL: Barbie Forteza, itatambal kay Jak Roberto sa ‘Magpakailanman’

ADVERTISING
JAKBIE FOR REEL AND REAL: Barbie Forteza, itatambal kay Jak Roberto sa 'Magpakailanman'
Barbie Forteza and Jak Roberto

NAKAKATABA NG PUSO ang first episode ng Magpakailanman for 2018. With the title “Ang Babaeng Tinimbang Ngunit Sobra”, isang kuwento ng dalagang overweight na maiinlab sa kaklase nitong hunk ang isasalaysay ngayong Sabado ng gabi.

Bida rito ang isa sa Kapuso leading ladies na si Barbie Forteza. For a change, si Jak Roberto na rumoured boyfriend niya ang kanyang leading man dito.

As early as now ay hindi na mapigilan ng JakBie fans na kiligin sa pasabog ng dalawa. Marami kasi talagang fans ang tambalang ito kaya naman nadinig din ng management ang kanilang hiling. Magtutuloy-tuloy na kaya ang loveteam na ito?

Sa ngayon ay wala pa kaming balita kung magkakaroon ng bagong TV show si Barbie. Pagdating naman sa movies ay nakatakda itong lumipad patungong Italy para kunan ang mga eksena para sa balik-tambalan nila ni Derrick Monasterio. Indie film ito under the direction of Louie Ignacio.

Kahit malakas din kasi ang team-up ni Barbie Forteza kay Ken Chan, hindi masyadong kinagat ng masa ang pelikula nila na “This Time I’ll Be Sweeter”. Hindi na nga yata mahilig ang mga moviegoers sa heavy drama kahit may pakilig na mga eksena.

ADVERTISING

Si Jak Roberto naman ay makakasama si Glaiza de Castro sa bagong panghapong serye nito na lalabas sa March.

Maganda siguro kung ang next mainstream movie ni Barbie ay mareunite siya sa mga leading men niya sa ‘Meant to Be’, pero magsama na rin ng ilang Kapuso female stars. Naku, sayang ang mga beauty at potential nila kung hanggang TV lang sila, noh!

ADVERTISING