Jak Roberto, ‘di lang pang-drama, klik din sa comedy

ADVERTISING

Jak Roberto, 'di lang pang-drama, klik din sa comedy

Jak Roberto
Jak Roberto

Kapag may tiyaga, may nilaga…

Mukhang masuwerte ang 2016 sa showbiz career nitong si Jak Roberto.

Bukod kasi sa kanyang magandang role sa “Hanggang Makita Kang Muli” ay napanonood naman siya  sa “Bubble Gang” tuwing Friday night.

Sabi nga, itong gag show na ito ang nagiging libangan ng masa na umabot na nga ng dalawang dekada. Siyempre, sa galing na rin ng mga writers, director, at ang namumuno rito na si Michael V.

ADVERTISING

Sa husay ng akting na ipinakikita ni Jak sa serye at sa mga indie movie nito na ngayon nga ay bida siya sa “Tibak” under Blankpage Productions, nakita na rin ng kanyang network ang husay nito.

Pati sa comedy ay okey rin pala siya kaya, naman hindi malayong maging suki na rin siya sa gag show na “Bubble Gang”.

Abangan ang “Bubble Gang” every friday night at tiyak na mauubos ang stress ninyo. Tiyak relaks kayo every Friday night sa GMA 7.

‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING