Jak Roberto and Barbie Forteza: In the end, we’re meant to be!

ADVERTISING
Jak Roberto and Barbie Forteza: In the end, we're meant to be!
Jak Roberto and Barbie Forteza

JAK ROBERTO

Real Name: Jan Rommel Osuria Roberto

Birth Date: December 2, 1993

Zodiac Sign: Sagittarius

BARBIE FORTEZA
Real Name: Barbara Ambas Forteza

ADVERTISING

Birth Date: July 31, 1997

Zodiac Sign: Leo

THIS WEEK NA magtatapos ang romance-comedy series na Meant to Be. Napakahaba naman talaga ng hair ng bidang si Barbie Forteza dahil pinag-aagawan siya ng apat na delicious papas namely Addy, Ivan, Ken and Jak!

Among the foursome though ay si Jak Roberto ang diumano’y totoong may feelings sa dalaga. Ilang beses na rin silang naispatan na nagde-date! Hmmm… sila kaya talaga ang meant for each other?
Ahem… full of love and romance ang pagsasama ng Leo at Sagittarius! They’re full of life especially when they’re together. Happy lang ang tambalang ito! Kaya ng Sagittarian na i-control ang paminsan-minsang pag-‘rawr’ ng isang Leon at madalas ay pinapalagpas lang niya kung sakaling wala sa mood ang isa. May mga pagkakataon naman na hindi masyadong vocal sa kanyang feelings ay Leo, na maaring ipagtampo naman ng emotional at ma-pride na ka-partner.

Maliban sa emotional issues, meron din tayong kailangan pag-usapan pa: Loyalty. Ang mga Leo kasi kapag naiinlab ay todo bigay agad-agad. Sila ‘yung tipo na first date pa lang, attached na sila right away. Sa kabilang banda, natural flirt ang mga lalaking Sagittarius at hirap sila na tumitig lang sa iisang babae. In short, they appreciate all sorts of beauty at hindi nila mapigilan na manggigil kahit pa sa totoo lang ay hanggang tingin na lang sila. Pwede itong maging ugat ng ‘di pagkaka-unawaan lalo na kung mahuli ng Leon ang Archer. Arrruy! Ang pagiging positive lang nila overall sa kanilang future ang isa sa mga magpapatibay ng samahan nila, if ever. Ang dine-demand na kalayaan ng Sagittarius ay hindi madaling pagbigyan ng isang babaeng Leon. Maliban sa problemang ito ay suwabe pa rin naman ang pagsasamang ito.

Initially ay ang pagiging fun-loving and naturally charming personality ng Sagittarius ang ikakahulog ng loob ng Leo. Maganda ang chemistry nila at hindi naman sila magpapatalo pagdating sa romance. Todong-todo pa nga, eh! Kailangan lang matutunan ng Sagittarius na bawasan ang kalandian nito sa ibang babae at dapat din naman na matutong mag-let loose ang Leo at huwag agad mag-attach sa dyowa na parang magnet. Kapag ma-solve nila ang isyung ito, sure na sure na pasok sa banga ang couple na ito. Diretso na sa kasalan!

O, ayun naman pala eh! Hindi pa naming alam kung sino talaga ang makakatuluyan ni Billie (Barbie Forteza) sa finale ng Meant to Be, pero at least may idea na tayo na sa totoong buhay ay maaaring si Jak na nga ang meant sa ating leading lady. Ayiiiii!

By Madam Damin

 
Pares-Pares

By Madam DaminJak Roberto and Barbie Forteza: In the end, we're meant to be!

ADVERTISING