Jak Roberto at Klea Pineda, magpapakilig at magpapaiyak sa ‘Never Say Goodbye’

MATAGUMPAY ang unang kuwentong ibinahagi ng ‘Stories of the Heart’ drama anthology series  na pinamagatang ‘Loving Miss Bridgette’ na pinagbidahan ng bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez at ng younger leading man na si Kelvin Miranda. Minahal ng tao ang kakaibang love story sa pagitan ng isang guidance councilor at ng isang medical student na nagkakilala sa isang event.

Jak Roberto at Klea Pineda, magpapakilig at magpapaiyak sa 'Never Say Goodbye'
Jak Roberto and Klea Pineda in ‘Never Say Goodbye’

This week ay nag-umpisa na ang second offering ng Stories of the Heart. This time, bida ang homegrown Kapuso stars na sina Klea Pineda at Jak Roberto na first time din magsasama bilang magkatambal sa isang proyekto in ‘Never Say Goodbye’.

Ito ay kuwento nina Joyce (Klea) at Bruce, dalawang magkasintahan na pinangarap mag-abroad bilang mga nurse. Mauunang pupunta sa Amerika si Bruce. Ang hindi niya alam, hindi makakasunod si Joyce dahil ito ay magkakaroon ng malubhang sakit.

Sa pananatili sa Amerika ay makikilala ni Bruce si Victoria (Lauren Young), ang amo niya na makakadebelopan niya. Sa oras na malaman ni Bruce ang tunay na kalagayan ni Joyce, sino ang pipiliin niya sa dalawang minamahal?

Trailer pa lang ay nakakaantig na ang mga eksena. No doubt na kahit na maiksing panahon nan aka-lock-in taping ang mga artista ay nakadebelop din sila ng kakaibang bond sa isa’t isa.

Kasama rin sa ‘Never Say Goodbye’ sina Snooky Serna, Maxine Eigenmann, Luke Conde, Herlene Budol, Kim Rodriguez, Phytos Ramirez at marami pang iba.

Mapapanood ang ‘Stories of the Heart: Never Say Goodbye’ tuwing hapon sa GMA pagkatapos ng ‘Nagbabagang Luha’.